Disyembre
Dalawampu't apat na tulog na lang pala, pasko na. naglulat ako dahil hindi ko man lang naramdaman ang pagdating ng buwan ng Disyembre. Nalaman ko na lang nang mabasa ko pagkatapos ng "gudnayt.. :-)" sa isang text message ang:
Ipinadala:
1-Dis-2004
21:27:30
...napatigil pa ako ng sandali. Akala ko ay nasira na naman ang selepono ko. Naitanong ko pa sa sarili ko, "anong 'Dis'? anong buwan yun??" Tapos na pala ang tatlumpung araw ng Nobyembre. Dumating na ang buwan na pinakahihintay ng "marami", pero malamang, hindi ng lahat. Ewan ko ba... ako rin, parang hindi ganoon ang pag-asam sa buwang ito.. ano ba ang meron sa huling buwan ng taon?..
Sa buwan na ito dumarami ang mga holdaper.. (naalala ko nung Disyembre nung isang taon, sa may North ave, UMAGA, nilapitan ako ng isang mala-gusgusing lalaki sabay sabing, "akina silpun mu!" Medyo hindi ko naintindihan kaya di ko pinansin ng ilang beses, pero pagkasabi niya ng "ayaw mo ibigay (?) ha (?)!" nalaman kong may dala siyang patalim, at ako wala, puro libro lang at notebook.. eniwey..)
Sa buwan na ito dumarami ang mga magnanakaw at mga snatcher na kapay nahuli ay nagdadahilan sa TV na kailangan lang daw nila ng pang noche buena..
Sa buwan na ito nababawasan naman ng kriminal sa gabi, dahil nagmimistulang umaga ang dilim sa dami ng Christmas lights ng mga kapitbahay..
Sa buwan na ito umiingay sa mga kalsada, dahil naglalabasan ang mga nakakatugtog (hindi ko agad masasabing marunong =) ng mga de-hipan at iba pang instrumento para daw mamasko (para sa akin ay mambulabog)..
Sa buwan na ito kumakalat din ang mga sakit,. dahil malamig ang panahon, ideyal para sa mga virus na kumalat (kaya na-exaggerate sa mga news ang sinasabing pagkalat ng meningococcemia.. omaygulay.. )
Sa buwan na ito mahirap gumising, dahil sa lamig, aatakihin ka ng katamaran..
Sa buwan na ito bumabaho ang paligid, dahil mahirap maligo ng malamig na tubig..
Sa buwan na ito nagkandarapa ang ilang mga estudyante (tulad ko (?)) dahil pilit na isinisiksik ng mga propesor ang kanilang mga requirements, lalo na ang mga exam, bago mag "Christmas break"..
Sa buwan na ito nagkalat ang mga nagra-rally, dahil hindi nanaman naibigay ang "Christmas bonus" nila, at ipahayag din ang iba pa nilang hinanakit..
Sa buwan na ito rin madalas magkatrapik,. dahil pati mga traffic enforcer, pulis, at iba pa,. ay namamasko..
Sa buwan na ito dumarami rin ang mga tambay, rugby boys, aeta, igorot, at iba pa, na pakalat-kalat sa kalsada at nambubulabog din sa mga bahay at sinasabing "namamasko po!"
Sa buwan na ito hindi mo maiintindihan ang Pilipinas, dahil naglalabasan ang mga manikang matataba na nakasuot ng kulay pulang panlamig, mga reindeer, snow, maliliit na kampana o "Christmas balls", punong may iba't ibang nakasabit, at iba pang kakaiba na tuwing Disyembre mo lang masisilayan..
Sa buwan din na ito dumarami ang mga bituin,. at bumababa pa ang ilan sa lupa at sumasabit sa mga bahay-bahay at mga poste..
Sa buwan din na ito dumarami ang mga "songer" na malalaki at malalalim ang mga palad tuwing matapos sa pagkanta at nanghihingi na ng 'pamasko'..
at sa buwan din na ito naman bumabait ang karamihan sa mga kilalang personalidad (artista,pulitiko,etc) at nanggugulat sa telebisyon, dahil sa kanilang pamimigay ng pamasko sa ilang mga 'piling' sawing-palad..
Pero sa buwan din na ito dumarami ang mga sale sa mga department store at mga grocery..at dumarami ang mga batang nanghihingi ng regalo..
at sa buwan din na ito mauubusan ka ng pera para sa mga sale, dahil sa dami ng reregaluhan at mga namamasko..
..ano pa nga ba ang meron sa huling buwan ng taon? bakit ito ang tinaguriang buwan na pinakahihintay ng marami? bakit sa buwan na ito dumarami ang mga ngiti na nasasalubong mo sa daan, kahit na 5.50 na ang minimum fare ngayon? bakit kailangang magsaya ang marami, kahit na kitang-kita na walang dahilan para magsaya sila?
hindi ko alam sa iyo.. pero ako.. ang isang dahilan para magsaya ngayon.. pasko nga pala tuwing ika-dalawampu't limang araw ng Disyembre.. ang pasko ang idineklarang "opisyal" na kapanganakan ni Kristo.. si Kristo, anak ng Diyos, ngunit namatay para sa mga kasalanan ng mo - at mga kasalanan ko, ngunit ginapi ang kamatayan at nagharing muli.. kung gusto mo ring magsaya, tanggapin ang regalong ito ni Kristo.. Siya'y namatay para sa iyo.. tanggapin mo lang ang Kanyang sakripisyo para sa iyo at tuluyang talikuran ang kasalanan.. kapag nagkita tayo, inaasahan kong may ngiti akong makakasalubong galing sa iyong mga labi.. =)
Maligayang Pasko sa inyong lahat!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home