Sunday, March 06, 2005

STATUS: naiinis ako ngayon (*frustrated*) nakakainis mag-soundtrip, lalo na kung hindi ka maka-gitara.. )
CURRENTLY PLAYING: He - Jars of Clay

kakagising ko lang.. ulit. nakatulog na kasi ako sa kakaaral para sa exam ko sa Human Physiology bukas - tungkol sa digestive system. Ewan ko ba.. ewan ko kung puyat at pagod lang talaga ako, o sawa na ko kakaaral ng tiyan. O baka hindi na ako marunong mag-aral. Kaya eto, onlayn muna. alam kong wala naman akong mapapala dito, pero sige lang. titingnan ko kung sino onlayn sa YM.. syempre, di ko malalaman kung sino yung mga naka invi-mode.. pero ayos lang.

Iniisip ko rin kasi kung may nakalimutan ba akong requirement. Inaalala ko yung sked ko, sa kaiisip ko tuloy, naalala kong dalawang linggo na lang, tapos na ang sem na ito. matutuwa na sana ako, pero naalala kong hindi nga pala ganoon kadali matapos ang isang sem.

Gagapang muna sa lusak ang isang estudyante. Sabay sabay kasi ang mga exam,papers,reports, at iba pang kawirduhan. badtrip.

At hindi pa natatapos ang lahat doon. pagkatapos ng Holy Week, may finals pa akong nag-iisa sa chem16. Pang-asar. Ewan ko ba kung dapat na iniisip ko na yun ngayon. Ayoko rin naman.

Bakit di na lang kasi pwedeng matulog habang buhay. Managinip.

Syempre, ako rin yata ang makakasagot sa tanong na iyan - kasi naitanong ko na yan dati. Mahirap nga daw pala ang buhay. Mahirap nga daw pala ang mabuhay. Kailangan mong kumain. Dahil kung hindi, magkaka-ulcer ka, dahil sa mga digestive enzymes ng stomach tulad ng HCl. Kailangan mo rin pala ng food for nutrients na nasisipsip sa small intestine. Pagkatapos nun, sa large intestine naman, pero wala na dun - lalabas na. Hindi rin maikakailang masarap kumain, salamat na lang sa mga taste buds ng dila.

Kahit nakakatamad. Kahit nakakabagot. Kahit nakakabato. sige na nga.. itutuloy ko na lang mag-aral.. mag-aral ng digestive system para sa exam ko bukas.. (sabi ko pa naman dati, peyborit ko ang Human anatomy at Human Physiology.. hindi pala palagi.. hindi ko sila paborito kapag kulang ang oras.)

mamaya. ipopost ko muna to.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Powered by Blogger



get toggler @ flooble