Saturday, March 19, 2005

para sa iyo..*

Punasan ang mga luha,
idilat ang mga mata.
Muling iguhit ang ngiti sa labi,
pigilan na ang paghikbi.

Harapin ang bukas, at
limutin ang masalimuot na kahapon.
Sa buhay ay huwag nang mabagot,
huwag ka nang muling malungkot.

Hindi diyan nagtatapos ang buhay,
huwag mong sayangin ang lakas.
Ipunin muli ang sigla,
sabayan ang araw sa bagong umaga.

Bumangon ka na, pare ko -
huwag kang matakot madapa.
Bawat pagkakamali ay gawin na lamang na gabay,
at kung nag-aalinlangan, humawak lamang sa Kanyang kamay. =)

*para sa iyo, na nawawalan ng pag-asa, hindi makaalis sa dati, at walang magawa.. hehe..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Powered by Blogger



get toggler @ flooble