Tuesday, May 16, 2006

last week...

RoadTrip!! (05/09/2006)

i woke up at 4am to check my email while waiting for my lil sis to prepare, which, on a girls average, would take about 30 to 45 minutes(haha!).. supposedly, we will leave CBC at 5am, but we left at 5:45..

1st stop - Bayside Bible Camp, Lemery, Batangas.
after the long Revo ride, enjoying the sites as we passed mla, pasay, cavite, and tagaytay, we finally got to the campsite where ptr ronel was scheduled to speak.. it was the ABCCOP natl youth conference, which accomodated 328 campers the time we visited (a small group has 2 counselors and 30 campers!) last year, they only had about 120 to 150 campers.. but we didnt witness any chaos among the campers.. in fact, we thought, if there was an awarding in every youth camp for the most behaved campers, almost all of them would get the awward.. anyways, we stayed only for a few hours so our judgement wouldnt be reliable. (n_n) We became ptr ronels alagad, following him wherever he goes, sitting at the front, behaving like a pastors guests in his speaking engagement (we tried our best to 'behave'..) after ptr ronels talk on media, we had a free batangas-suman-meryenda with C2 and then after a few minutes, a free porkchop lunch, out of the hosts generosity.. we dint get to make friends with the 328 campers though because we left after devouring their lunch..

2nd stop - Hardin sa Tabing Ilog, Pasong Kawayan, Nasugbu, Batangas.
we met pipay the monkey! such a cute creature.. haha.. (n_n) the campsite wasn't that big.. having just some tents as cabins for overnight stays.. and the almost stagnant river, with a small refreshing kubo at the side. we met ori girl!! thinking at first that she was just some lost kid (hehe, peace tayo ori!!! =) and ian and i joined their 10 minute "mountain trek", just to explore the place.. and to our utter amazement, we saw at the other side of the river the most precious creatures that you would enjoy swimming with in a river - carabaos!! haha! and when we returned to the kubo after 15minutes or so, we saw the fruit of the privilege of having them join in the river... may ebak na lumulutang!!! wo0hoo00..!! but the caretaker told us anyways that compared to the size of the river, the carabao s*** wouldn't count much.. sheeesh!! (o_0) after a few picture taking at the river, we proceeded to the campsites tindahan and ate and bought every P1 mangoes we could see.. after ransacking the place of mangoes, we then left for another trip-trip..

3rd stop - tindahan somewhere in nasugbu, batangas
P60 ang papaya, P22 ang 1 1/2 kilo ng avocado, P45 ang isang boteng honeybee na mukhang rugby...

4th stop - Viewpoint, Tagaytay
after several attempts to get a free spot overlooking the taal volcano from the side of the main road, we finally decided to go to Viewpoint restaurant to enjoy the sight.. there were only a few people eating at the luxurious restaurant and when we came in, the waiters did not show any hint of hesistation to accompany us to a table.. to their discontent, we only asked "may halo-halo po ba kayo?", "ah, ganon..." *silence* . . . .. then after a few more looking around the place, as if we were inspecting every single part of the restaurant then rob them the next night, we went out then found the most beautiful-est point in Viewpoint.. after taking pictures with the taal volcano, we then quietly walked away to the car, then fled away..

5th stop - SLEX stop over!
after the long ride, we had dinner at chowking, the official (as it seems..) restaurant of ABCCOP churches.. tracy asked if we could order at KFC, so she ordered a go-go thing and i ordered... some meal (i forgot!! argh..) then, seeing badik and tinay at the ice cream crappe thing store, we ordered a vanilla-peach and rockyroad(? forgot again..) crappe while watching how they make the expensive dessert and bugging the cashier..

after enjoying the "all-expense paid trip" (hehe), i headed straight to church for band reh, arrived home at 11pm.. ohwell.. sana maulit ulit.. (n_n)

--------------------------------------------------------

Cavite!! (06/10-11/2006)
kamote, P140 ang overnyt stay at P50 per meal!!! argh.. muntik na kong hindi tumuloy sa ISCF LCDC dahil wa'ay na ko budget! pero tumuloy pa rin ako, at by faith, umasang may matutulugan.. hinatid-sundo ko muna si gerald sa UP college of music para sa kanyang violin lessons, tumambay sa bhaus nila bcel, bago dumiretso sa cavite.. mga 1pm na ako nakasakay ng LRT at 2 na nakarating sa SM bacoor.. mga 30to45 minutes ulit bago ko mineet ni Len, LCDC 2k5 mate ko sa sm bacolod at sabay kaming nag-"baby bus" papuntang naic.. waaah! halos isang oras din pala ang byahe simula bacoor hanggang naic! nak ng tinapa, kala ko sa tabi-tabi lang.. malapit na pala sa beach ang naic bayan.. anyways, nakarating din kami sa wakas sa bayan at nameet si jayson (KCmate!) at nakisakay kanila kuya bong papuntang campsite.. tumambay, nakibuhat at nakiayos lang muna kami dun sa unang dalaw namin dahil banquet night sa gabing iyon.. sayang lang, nakikain lang kami (kinulang ng ulam! hehe) at hindi na napanood ang presentation ng mga campers kasi gagabihin si len.. napagdesisyunan din na kanila jayson na lang ako makitulog, pagkatapos nyang magpaalam sa nanay nya, na nandun din sa campsite! may resort pa nga daw sila, dahil sa tabi sila ng beach at pag-aari ng kamag-anak nila yung parteng iyon ng beach.. sabi naman ni len, baka daw may pool din.. pooltry! (-_-) nyeknyeks...
at may manok nga! napaka-hospitable naman ni nanay, habang nagpapahinga na lang si kuya dahil may OJT daw sya.. medyo nakakahiya lang dahil sa baba sila natulog habang ininvade ko ang kwarto nila sa taas.. ok lang naman daw sabi ni nanay dahil sanay na silang dun matulog.. pumayag na din naman ako.. nag quiet time together naman kami ni jayson bago matulog, at nagdesisyon na gumising ng 5am para magjogging sa beach.. (dinalaw pala muna namin ang kanyang superfriends nang gabing iyon sa may beach,. maganda ang beach kapag gabi.. 11pm kami bumalik sa kanilang munting bahay..)
5:15, nagising ako, at pilit na niyugyog ang tulog na tulog na si jayson.. 5:30, 5:45.. ngunit wala pa ring saysay ang aking pagyugyog kaya akoy natulog na lang ulit.. 7:30, ginising ako ni jayson.. ayus! nauna pa tuloy sya nagising! hehe.. nagpunta pa rin kami sa beach kahit mataas na ang sikat ng araw, at hala! lumitaw na ang mga nagkalat na bangka, basura at mga patay na isda.. na-enjoy ko lang tingnan yung ilog na konektado sa beach.. maganda na sana, tanggalin lang yung basura..
pagtapos naming magbreakfast, makipagkwentuhan at kulitan kay nanay, at maligo ay dumiretso na kami sa bayan para hintayin si Len.. naglunch sa jobee, sa "mall" ng naic.. at saka nagtrike papuntang campsite.. pagdating doon ay si kuya bong ang una naming natagpuan at tumulong para mag-ayos sa extra challenge niya.. pagtapos ng patambay-tambay, pagkain at pagtulog sa isang nipa hut na may gulong, dumating na din ang oras na pinakahihintay.. akala namin ni jayson ay uulan din tulad ng sa KC na umulan during the extra challenge.. sayang hindi!! hehe.. nakakatuwa din dahil may swimming pool sila.. hindi nakakatuwa na kasama yung pool sa challenge nila at wala kaming pool sa challenge - nakakatuwa dahil pagkatapos na pagkatapos lumangoy sa tubig para hanapin ang karayom at jolen, langoy agad sa putik! woohooO!! sa taniman ng halaman sila lumangoy kaya mas mahaba at mas makitid yun kaysa sa putik namin nung KC.. medyo panghuli ang station namin (nagmarshall kami) kaya medyo natagalan bago kami makapangulit ng campers.. namiss ko tuloy ang feeling camper, puro laro lang, wla nang ibang iniisip... matapos ang extra challenge, diretso uwi na kami, hindi na nagdinner, dahil wala na kaming pera.. sabi ko nga, hindi na ko mabubuhay kung magstay pa ko hanggang saturday (as planned..) buti na lang at nasabayan namin si kuya eric pauwi, at sa may north ave-edsa na ko sumakay ng bus..

-------------------------------------------------------------
SVCF GA (06/12/2006)
nyeklats.. Christlikeness na naman ang message.. matapos matusok ng malalim sa KC kung ano ang ibig sabihin nito, yun na naman ang msg na nagstrike sakin sa GA.. haay.. mahirap nga.. mahirap tlga.. pagpray mo na lang ako para may saysay naman ang pagdalaw mo sa blog na to.. mag-iscf teamhead na ko dis skulyear, tpos youth leader pa sa church.. ohwell.. so help me, GOd.. (n_n)
-------------------------------------------------------------
argh! (06/13/2006)
matapos kong gumawa ng isang mabuting bagay (pagpulot ng nalaglag na sinampay.. haha!!), lumakas ang hangin at may mga pumasok (oo, madami..) na kung ano sa kaliwang mata ko (11:30am).. after an hour of failed attempts to remove that cursed thing, wla pa rin.. hindi din tinablan ng visine ang sakit ng mata ko.. kaya pumunta ako sa youth mtg (3pm) ng may panyo sa nagluluhang mata.. nagpraktis din ako sa banda habang lumuluha.. argh.. buti na lang, medyo nakatulong yata yung chloremphenacol (?) drops at medyo nawala na nung linggo..
------------------------------------------------------------
San Miguel Beer.. este, San Miguel Philharmonic Orchestra (06/14/2006)
pero sumasakit pa rin ang mata ko! pambihira, hindi ako makatingin sa kaliwa... buti na lang at si boxter lang ang tinugtog ko, hindi drums.. dahil sanay akong medyo nakatingin sa left kapag nagtatambol.. nakikain muna ako ng tapsi ni lope de vega sa bahay nila ian bago kami dumiretso sa Shangrila.. nyeklats, ang aga namiN! 4:15 ng hapon ay nandun na kami, 7pm pa magstart ang concert.. kaya medyo nag-ikot lang kami muna at nag-girl watching si ian (hwehehe!!!) medyo ok na yung mata ko, pero sumasakit nga lang every 30 or 45 mins kaya naluluha pa rin.. medyo mapula din nun kaya mistulang adik lang naman ako.. buti na lang naka-polo kami kaya medyo mukha kaming tao (yun kasi ang uniform namin sa "orange and melons" nang tumugtog kami kanina sa church) matapos ang ilang pag-iikot, pag-CR, pagsilip sa praktis ng choir, pagkain ng ice cream, ay sa wakas, nakita namin sila ate misha na may seats sa baba! pero hindi naman kita ang tugtugan sa seats kaya pumanik pa rin kami sa 3rd level.. matapos makatagpo ng medyo magandang spot ay inenjoy namin ang concert habang nanginginig ang mga tuhod sa kakatayo.. nakakatuwang panoorin ang synchronized na pagtugtog ng mga violin! nakakatuwa ding panoorin yung nagtatambourine! whehehe, kapag nag-Music ako, kukuha ako ng major in tambourine... (n_n) nameet din namin ni ian si charm matapos ang ilang magagandang kanta.. nagdinner sa KFC matapos ang concert, at sumakay sa bus pauwi na minamaneho ng isang adik na driver.. owel.. buhay pa naman kaming nakarating ng bahay...

3 Comments:

Blogger Marites said...

This comment has been removed by the author.

9:28 AM  
Blogger Marites said...

pede po ba makuha contact number sa Bayside Bible Camp, Lemery, Batangas?

9:31 AM  
Blogger Marites said...

pede po ba makuha contact number sa Bayside Bible Camp, Lemery, Batangas?

9:39 AM  

Post a Comment

<< Home

Powered by Blogger



get toggler @ flooble