I slept with..*
I slept with..*
Naiinis ako.. lagpas isang taon na kitang kasama pero wala pa rin - wala pa ring nangyari.. kaunti pa lang ang nagawa ko at kaya kong gawin sa iyo. Isang taon - matagal na iyon, diba? dibadiba?
Naalala ko, tuwang tuwa ako noon nang una kitang makita. At mas natuwa pa ako nang mahawakan kita - pero natuwa lang ako. Nahawakan kita, pero hindi ko alam kung paano ang gagawin ko sa iyo.. hindi ko alam kasi nagmadali ako, pero nang lumaon ang panahon, natuto rin ako. Akala ko nang una, mahirap - at mahirap nga, dahil isang taon na at ganito pa rin. Kaunti pa lang ang nagawa ko at kaya kong gawin sa iyo.
Nakakainis.
Nakakainis dahil alam kong hindi dapat ako magmadali - pero gusto ko. Nakakainis dahil alam kong matututo rin ako paglipas ng bawat paglalaro natin sa oras.. pero ayaw kong maghintay. Mahirap maghintay - lalo na kung marami kang gustong malaman at matutunan - parang kulang ang buhay para sa lahat ng iyon.
Marami na akong ginawa, at patuloy na ginagawa para mas lalong makilala kita. Tuwing may pagkakataon ay sinasamahan kita. Kinukuha kita mula sa iyong tahimik na sulok. Gumagawa tayo ng ingay o musika - hindi ko alam.. pero ang mahalaga, iba't-ibang klaseng ingay o musika ang nagawa natin, subalit kaunti pa lang. Halos isang uri lang sa bawat isang klaseng ingay o musika. Paunti-unti.. dahan-dahan bawat araw.. paisa-isa bawat linggo.
Marami akong ginawa - marami na hindi ko alam kung tama o mali.. pero, para lang iyon mas matutunan kita. Alam mong minsan na ay napadalas kitang kunin mula sa iyong tahimik na sulok, at hindi ako nakapag-aral para sa isang exam. Ano ba ang mas importante? Ano ba ang mas importante kong matutunan? Hindi ko alam.. hindi mo rin alam. Alam mo ring minsan, kahit na kinuha na kita sa iyong tahimik na sulok, walang nangyayari - hawak lang
kita, pero tayo'y tahimik. Tulad ngayon.
Minsan, mas napapahalagahan ko pa tuloy ang iba. Naiinis kasi ako dahil matagal akong maghihintay sa iyo - samantalang mas alam ko ang iba kaysa sa iyo.. mas alam ko dahil mahigit isang taon pa lang kitang nakasama - alam kong kulang pa iyon.. at kulang pa ang buhay para doon.
Kung pwede lang sanang lagi kitang kasama.. lagi kitang hawak.. lagi kitang kalaro.. lagi tayong gumagawa ng ingay o musika.. pero hindi - hindi pwede. Sayang. Hindi pwede dahil maraming dapat gawin - at nakakabaliw mabuhay.
Kaya ito.
Kahit na alam kong walang mangyayari.. kahit na alam kong magiging mas lalo tayong tahimik.. kahit na alam kong ibang klaseng ingay siguro ang maririnig.. ito. Nagawa ko pa rin. Sa totoo lang, hindi ko talaga gustong gawin, pero nagawa ko - nagawa ko dahil naiinis ako. Hawak na kita pero kaunti pa lang ang nagagawa ko at kaya kong gawin sa iyo. Hawak kita ng matagal - matapos tayong magsawa sa ingay o musikang ating ginawa sa simula. Hawak kita ng matagal, pero hindi ako umiimik - at siyempre, hindi ka makakaimik.. Nakatulog ako.. matagal ka nang tulog.. nakatulog ako kasama ka. Pathetic.
*..my guitar - oo, siguro, "OT" na ata ako.. OTistik! argh.. ano ba yan! Bat ko kinakausap tong kahoy na to..

1 Comments:
hahaha jengers! pag tinabi mo sa pagtulog ang gitara mo masisira yun baka ma-crush mo! haahahaha :P
Post a Comment
<< Home