Sunday, March 20, 2005

Biyaheng EDSA

wala man lang paalam.. umalis ka na lang bigla.. nawala.

Pagkatapos ng ating pagsasama, matagal-tagal din naman iyon - bigla ka na lang umalis.

Nagkatinginan tayo sa mata. Tinitingnan ko kasi ang mata mo nun at sinusubukang alamin ang iyong iniisip. At tumitingin ka naman pabalik - marahil iniisip mo kung bakit ako nakatingin; at siguro gusto mo rin naman din tingnan ang mata ko at alamin ang aking nasaisip. Pero alam kong hindi ko malalaman, at hindi mo rin malalaman, dahil kulang ang sandali.
Minsan magkadikit ang ating mga braso, pero minsan parang iniipit mo na ako. insan naman parang wala lang sa iyo, pero minsan napapangiti na lang ako. Minsan kasi dikit na dikit ka na sa akin na para bagang ako na lang ang gusto mong lapitan. Pero minsan, sobrang layo mo naman. Ayaw ko namang abutin ka lagi dahil may sariling buhay ka pa rin. Minsan natutukso akong gumalaw papunta sa iyo. Pero hindi ko rin naman kita pilit na tatabihan - bakit naman?

Minsan kasi ikaw lang ang lumalayo. Pero nandito lang ako lagi sa sulok ko.

Hindi ko rin naiwasang maamoy ka - ang pabango mo na hindi ko mahulaan, siguro dahil may kasama nang amoy ng pagod. Hindi ko lang alam kung naamoy mo rin ako. Sana lang, hindi pa ako amoy pagod. Nag-shower naman ako kanina pagkatapos mag-gym. Nagtooth-brush pa nga pala ako eh.

Pero sayang ang bango ng toothpaste kung hindi tayo mag-uusap.. nakakangalay din magkuskos ng ngipin sa loob ng anim na minuto - at hindi na nga pala tayo nag-usap.

bigla ka na kasing umalis. Hindi ko nalaman agad kung bakit - matagal kong inisip..


Oo nga pala.. hindi tayo magkakilala talaga.. baka taga diyan ka lang.. sa kabilang kanto pa ako bababa.. ehehe..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Powered by Blogger



get toggler @ flooble