Friday, April 01, 2005

something for no one..

Hindi nga pala talaga siya;
may nakilala ka pa kasing iba.
Tinatanong kung bakit noon ay nagtiyaga;
nakuntento na lang sa kanyang magandang mukha.

Noo'y sa kanya lamang ang iyong mundo'y umiikot;
Ngunit ngayo'y gusto mo na siyang ibaon sa limot.
Oo nga, sinabi mong masaya ka kapag siya'y kasama lagi;
Pero minsa'y di malilihim na nagdudulot din ng luha at paghikbi.

Matagl din naman siguro ang inyong pagsasama;
at halos lubos nang kilala ang isa't-isa.
Dahil doo'y marami kang sa kanya'y natutunan;
dating hindi mo alam ay iyong nalaman.

Puso'y madali palang nahulog sa kanyang mga sinabi;
Kanyang mga mata'y nagtulak sa iyong pagkakamali.
At ngayon, hahanapin mo pa ba siya,
o titingin na lang agad sa mata ng iba?

2 Comments:

Blogger Hannee said...

huwaw!hahahahaha ano ba yan!?ano kaya ang nagtulak sayo na magsulat ng ganyan..tsk tsk you need a break pare :P

10:05 AM  
Blogger boy okoy said...

Astig ah! Gawa mo naman ako para sa blog ko. Hehe...

5:56 AM  

Post a Comment

<< Home

Powered by Blogger



get toggler @ flooble