Tuesday, May 23, 2006

isa pang mahabang post,...

sobrang daming nangyari sa KC.. hindi ko maisulat isa-isa.. it took me 3 weeks to dig again into my memory at mapiga lahat ng mga pangyayari.. hindi pa syempre ito ang lahat... mahirap nang hukayin kumpleto sa isang pagkakataon lang.. at dagdag pa dito, mayroon pang mga pangyayaring mas magandang iba ang magkukwento.. anyways, basahin mo na lang kung ano ang mababasa mo sa pagkahaba-habang blog na ito, ikaw na lang ang bah alang umintindi.. (n_n) (sinubukan ko sa abot ng aking makakaya na ayusin sa chronological order ang bawat punto, pero sa bandang gitna/huli ay sa tingin ko ay hindi ko na naisakatuparan ang aking mithiing ito..) (matatagpuan din ito sa ISCF logbook, pero mas nahuli itong paglagay ko sa blog, kaya medyo edited na ito, at mas maikli... 3 pages ang nagastos ko sa logbook...)

- GTKY ng NCR at NL at UPLB sa port (nung una, kaming magkaka-lcdc lang ang nagpapansinan,, minsan, sa sobrang tuwa na nagkita kami ulit, hindi na din kami nag-usap..) at pier15 ng manila at as usual, "suplado-mode" ako...
- nagulat at hindi mukhang "tourist accomodation" ang tourist accomodation ng tiket namin (Superferry 19).. kulitan sa barko, patintero, pag-unahan sa napakahabang pila sa food (dahil dun kami sa baba.. hindi rin mukhang pang tourist accomodation ang kainan namin..), pakikinig sa ugong ng makina ng barko habang natutulog kami, paghanap sa swimming pool na hindi makita dahil sa Superferry 12 lang pala meron nun, kwentuhan, kulitan, joke time ng mga UPLB at ni kuya Walle, kwentuhan, kulitan....
- pagiging disappointed namin sa una dahil parang hindi kami lumabas ng NCR (sabi nga ni ehco, parang nasa cavite/bulacan/batangas lang..) kasi after ng 20hrs sa barko, diretso campsite na kami- hindi na namin na-feel agad na nasa Bacolod na nga kami...
- pagiging disappointed din dahil 7 hectares ng palay at hindi nauubos na palaka tuwing gabi lang ang makikita, hindi tulad nung LCDC 2k4 ko na may beach at LCDC 2k5 na may bundok.. ngunit paglaon ay na-appreciate din ang bawat pagsunod ng windmill sa hangin, at ang libo-libong stars sa gabi na tila nasisilayan mo na ang buong kalawakan...
-pakikihalubilo sa co-campers (at staff at counselors) na nanggaling sa iba't ibang sulok ng Pilipinas.. naging exciting ito sa akin lalo na nung una dahil huhulaan mo ang kanilang kultura, at gagamayin ang kanilang ugali.. syempre, hindi nila agad yun ipapakita - maraming "mukhang mahiyain" nung una, yung iba naman may mga mapanlisik na mga pagtingin na hindi mo alam kugn bakit, pero syempre nang lumaon ay unti-unti na kaming naglabasan ng aming mga tunay na kulay.. (n_n)
- paggising ko ng 4am para magQT ng 4:30 hanggang 7:15 kahit na nagigising ko ang aking mga katabi (sa lapag na ako natulog.. long story.. at sa gitna ng dalawa sa aking minamahal na mga cabinmate..). ang qt ko na ito ay isa sa mga pinakamasarap na experience ko sa KC! syempre hindi naman araw araw ay 4:30 ang gising ko, meron ding pagkakataon na nagising ako ng 5:00, 5:30, 6:15 at 7:00am...
- desserts!!!! pinya, papaya, pakwan, saging, melon, at ang hindi nauubos na kamote...
- panghaharana sa mga girls na may bday tuwing umaga.
- buffets sa Humayan Opening, IV day Celebration (na ginawa sa "night"...), Missions Night, at sa Banquet Night..(ikaw ay nagkakamali kung iniisip mong puro pagkain lang ang nagustuhan ko sa mga "buffet" na ito, pero sa isang banda, malaking part ang ginampanan nun sa aking alaala..)
- ang aking ultimate-date nung banquet night... si ate chiri!!! nung una, ewan ko kung matutuwa ako dahil huling banquet night ko na yun (na camper ako) at hindi camper ang ka-date ko,.. at nung time na "naubos" na ang mga babaeng naghihintay at nakita ako ni ate chiri, parang napilitan lang sya (syempre, gabi ang banquet night, madilim.. tapos tinanong nya "wala na bang iba... teka, sino ba to?.. ay si billy pala to!.. sige na nga ako na lang..) na sa kalaunan ay inamin din nya,.. pero nakakatuwa at nakakabless na makadate ang camp director.. mdami kaming napag-usapang bagay bagay.. sa ministry, sa lablayp, sa KC, sa gentleman-liness (tama ba???) ng esbi guys sa gitna ng (****censored****) (n_n)... and at least, dahil camp direk ang date ko, safe sa showbiz! bwehehe.. (DISCLAIMER: si ate chiri din ang nag-interview sa akin para sa KC.. at syempre, sya ang campus staff ng diliman ng 2k5-2k6... o diba? ayus!!)

- kulitan sa cabin, ang "Cali Nights", at revelations na walang katapusan (4 times kami nag-full cabin dev, isa lang ata ang seryoso.. nung students day..), kulitan ulit... miss ko na ang paghidait!!
- ang madugong O, ang madugong I, at ang madugong A.. ang madugong study guides.. ang madugong BSL!!! (-_-)

- ang pagtulog sa ilalim (sa labas, hindi sa loob, sa labas..) ng Ifugao hut namin, (ang Paghidait..)exposed sa ginaw, sa timus (isang kakaibang insekto, na may kinakagat daw na specific na parte sa mga lalaki..), sa mga palaka, at sa mga libo-libong insekto... malamig man, ngunit mainit dahil sa sama-sama kaming Paghidait boys sa baba..
- ang students day! kung saan kagulat-gulat na kasama ako sa mga "counselors" at napagbotohan pa na maging "head" counselor..... ang paggising sa mga tao twing umaga.. ang pag-iingay para tawagin ang mga camper... at ang (oo, irereveal ko na..) hindi pagligo ng isang araw dahil sa walang oras at sobrang pagod.... (isa pang revelation..) na-late din akong gumising para sa isang session, tanghali yun, at ginising pa ako ni rein, ang camp direk, 15min before time...
- ang outing sa Mt. Mambucal!! ang pagkagulat sa bawat makitang tao - para kaming lumabas sa Big Brother House! "learn-how-to-swim" in 30minutes ni kuya bong, paghike sa tinaguriang "7Falls" na hanggang 6th falls lang ang narating namin (at nalanguyan, natalunan, napag-picture-an,..), pag-hike pababa, talunan sa pool...
- (kung matutuwa ka sa isang ito, mahabang kwento ito sa katotohanan - kulang pa ang tuwa mo! ipakwento mo na lang sa akin kapag ako ay nakita mong pakalat-kalat kung saan...)ang di malilimutang FUN NIGHT! kung saan nagpakitang gilas si joji sa pamamagitan ng magic,"kumanta" si mike, sumayaw ang Gugma girls.. at syempre, ang hindi magpapatalong Paghidait Boys na nagpakita ng panibagong talento (na ikinagulat ng manonood, maging ng aming sarili..!) sa pamamagitan ng isang "interpretative dance" (ewan ko kung ano yung "iniinterpret" namin habang umiikot ikot, tumatambling, tumatalon talon, nagwawala,..) to the tune of "One Way"
- ang Moro-moro!!

- (isa pang mahabang kwentuhan...) ang pag-learn (ng sapilitan) ng ilonggo dahil sa na-OP ako sa CI (jutay lang..), pakikipagbonding sa CI host, pagpunta sa kanilang bukid sakay sa isang tricycle (anim kami kasama ang mga host..), pagpapaligo sa baboy, pagtulong sa paglinis ng barangay, presentation sa plaza, etc...
- pakikipaglaro sa CI host family sa Pista sa Nayon... (pag-angkas ni tatay sa aking likod..)
- star gazing sessions (nakahiga kami sa damo sa may bball court kasama ang mga nagtatalunang palaka..)
- Missions Night!! lalo na ang pangungulit ni Kuya Jun (spaceship daw ang mga pyramids ni pharaoh nung old testament!!! kamote, pano mo nga ba sha-share an kung ganun..?)
- ang madugo,.. at maputik, at maulan, at maingay, at mabigat!!(bakit kaya mabigat?) na Amazing Race ni Kuya Bong..

- paglalaba 2x a week.. minsan hinde.. nagbobomba lang ng poso... (Bomba star.. hwekwek)
- paliligo sa poso!!! (ito ay after ng amazing race ni kuya bong... wehehe.. hindi pang public ang pictures eh..)
- testimonies na nakakagulat at sobrang nakakabless at nakakaiyak....
- SG bonding sessions at stargazing sa last SG.. (may shooting star!!)
- kulitan...

- kulitan ulit...
- huling kulitan...
- kulitan na naman at huling revelations/laglagan sa Superferry 15.. ngayon na mas malaki ang barko (pero wala pa ring swimming pool!!!), Agawan Base naman ang laro namin...
- tapos na pala ang camp..

parang kung paano nabigla ang madami sa amin na kami ay magk-KC, ganun din na nagulantang kami na tapos na pala ang masasayang araw namin sa camp.. lalabas mula sa nadevelop na comfort zones.. patungo sa realidad, sa totoong mundo..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Powered by Blogger



get toggler @ flooble