Monday, August 21, 2006

sa wakas, natuloy na kami sa Fontana ngayong Ninoy day.. supposedly, thanksgiving sya sa camp - ibig sabihin, dapat nung june pa.. pero dahil sa bagyo at hectic sked, ngayon lang naisked nang maayos.. naging thanksgiving na din para sa leadership forum, kaya medyo dumami ang kasama dapat.. kasama dapat, dahil may mga nag back out nung sunday.. 15 lang tuloy kami lahat from cbc.. grabe kung mag bless si Lord! sobrang liit lang ng binayaran namin sa fontana, tapos may libreng masarap na breakfast pa!

sobrang pahinga ang thanksgiving retreat na to para sa akin.. at dahil dun, minabuti ko nang mag-SR mode.. gabi pa lang ng sunday, inaayos ko na ang puso at isipan ko para makipagusap kay God.. pero hindi agad dumating ang sagot.

nung biyahe papunta, hindi ako gaanong makasama sa kulitan.. (bangag at nag-iisip..) pero wala pa rin.

sira yung giant slide ng fontana, kaya ang bukas lang ay yung lazy river, wave maker, water factory, tsaka yung para sa mga bata.. nilanguyan namin lahat yun (nag-slide pa dun sa pambata sa sobrang pagka-desperado sa slide..) pero pabalik balik lang kami sa lazy river at sa wave maker.. sa wave maker, naka lima o anim yata na wave ako..

every 30 mins lang pinapagana yung waves ng wave maker, na tumatakbo ng mga 15mins.. at hindi ito basta-basta na synthetic waves sa pool! humigit-kumulang mga 5 feet siguro ang taas ng maximum na waves na nagegenerate.. nagsisimula sa mahinang mga alon, papalakas, hanggang pahina ulit.. nung una, parang baha lang sa malabon yung tubig kapag may napadaang trak o jeep. pero nung lumakas na yung waves, may gulay, parang nasa cast-away o sa poseidon! (well, hindi naman..)

napagod din naman kami sa kakaikot, kakalusong, at kakalangoy. umupo ako at nagtry na mag-isip at magpray, pero medyo wala pa rin..

bawal ang pagkain at drinks (P35 ang isang mineral water) sa loob dahil 'american-style' daw ang fontana.. kaya sa labas kami naglunch.. waaah.. nagkasala yata kami, sa bulalo at chicharon sa isang sikat na carinderia na medyo malapit doon..

6th and last wave experience ko na.. medyo maginaw dahil umuulan nang mahina. medyo pang titanic o pang cast away nga yung effect dahil may malalaking waves na, may bagyo pa.. nang kalagitnaan ng duration ng wave maker, biglang bumalik sa isip ko yung kwento ni k.eric nung kc, about sa pagsunod nya sa will ni Lord, na para lang syang isang log na inaanod ng waves, sumasabay lang sa alon ng will ni Lord..

napaisip din ako,. sa nararanasan ko nang mga panahong iyon, patalon-talon para hindi malunod, nakakainom ng tubig, napapagod, natatamaan ng malalakas na alon - hindi ganun kadali na maging isang log na dinadala ng alon ng will ni Lord. pero kailangan mong sabayan ang alon - kung mauuna ka, babagsak ka agad at kakainin ng mga alon.. kung mahuhuli ka naman, wala ka nang oras para huminga.. mahirap man, kailangang sabayan ang alon..

marami kang kailangan i-give up.. i-give up mo ang paghila sa nalalaglag na shorts, i-give up ang pagsigaw ng "woohoo!!" sa tuktok ng alon, i-give up na lumingon sa mga fans, at i-give up ang paglalaan ng oras para mag-isip o magtanong kung bakit dumadating yung mga alon, kung bakit malalakas, kung gaano kataas, kung ano ang sunod na mangyayari.. sabay lang dapat..

medyo maliit lang yung width ng pool sa may wave maker part, kaya sa dulo, malalakas talaga at malalaki yung mga alon - dun kami kasi mas enjoy. pumupunta din ako lagi sa may gitna ng pool, dahil kapag bumangga na sa dalawang pader yung mga alon, babalik yun at pag
nagsalubong sila, mas malaki - dun ako sumasabay dahil yun yung pinaka mataas na alon..

sabay lang sa alon.. kung hindi ka sasabay, kakainin ka ng alon at hindi ka makakahinga. kung sasabay ka lang, dadalhin ka lang nung alon - masarap yung pakiramdam, nakaka-relax, at nasa tuktok ng alon ka pa..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Powered by Blogger



get toggler @ flooble