Wednesday, May 24, 2006

Part 2 ng kwentong KC (originally magkadikit, pero hindi kinaya ng blogspot..)

GRACE... hindi pa man nagsisimula ang KC, ito na ang dini-deal sa akin ni Lord.. (kahit na ilang beses kong tinatanggi..). Naging pamilyar na ito sa akin sa pamamagitan ng mga kwento ni Philip Yancey sa "Finding God in Unexpected Places", "What so Amazing About Grace", at "The Gift of Pain" (c/o tint..=) at maging sa aking mga madugong QT, at sa ilang pagkakataon sa church, esbi, etc. at syempre (ulit..) , lalo na sa mga madudugong QT guides ni pareng Oswald Chambers nung KC... (simula Feb21 hanggang March3 ang nabasa ko sa KC, mga first 2 weeks yun.. natigil.. hindi ko alam, either busy tlga or hindi ko lang tlga kinakaya..).. Pero noon, malabo pa ang dating ng picture na nakikita ko sa Grace. Na-reinforce ng KC kung ano ang pahiwatig nito sa akin at napiga ito palabas... Nung testi time, iniisip ko, ano ba ang totoong saysay ng bawat session, exposition, laro, CI, at lahat ng pinagagagawa namin sa camp? (isa pang revelation..) tinulugan ko ang alloted time para sa Testimony Writing.. hindi pa bumabaon sa aking isipan kung ano nga ba at bakit... bumangon ako sa kinaumagahan upang magsulat.. aking napagtanto, Grace lang ni God ang dahilan ng lahat: kung bakit ako nakapag-KC, kung bakit ka-KC mates ko ang mga KCmates ko, kung paano ako nabless sa mga speakers, staff at counselors, kung bakit na-enjoy ko ang bawat sunset at mga bituin, kung bakit ko na-enjoy ang bawat meal (kahit ang monggo burger..), kung bakit ako nahirapan sa BSW, at madami pang iba... Hindi maidedeny ang grace ni God.. kahit na sa ating ordinaryong buhay. at ipinakita nya ito sa pamamagitan ni Hesus, nang tayo ay niligtas niya mula sa kasalanan... isa sa dulot ng mga 4:30 QT ko ay ang pagmumuni muni kung ano nga ba ang standing ko kay God - kung sino ba ako, at sino ba sya..

Sabi ni pareng Oswald, "When we receive the life of Christ through the Holy Spirit, He unites us with God so that His love is demonstrated in us... The Lord's next point is - "Pour yourself out, Don't testify about how much you love me and dont talk about the wonderful revelation you have had, just feed my sheep..." if i love my Lord, i have no business guided by natural emotions - i have to feed His sheep"!!!

Narerecognize mo ba kung gaano ka-gracious si God sa buhay mo, kahit sa maliliit na bagay lang? Binibilang mo pa ba ang mga blessings nya sayo? paano ka magrespond dito.. sigurado, mahal ka ni God, pero kung ikaw ang tatanungin, "Do you Love Me?" (John 21:17), ang iyong isasagot? kung oo, mapapatunayan mo ba ito??

Hindi sapat na hanggang taga-salo lang tayo ng Grace niya.. hindi din sapat na hanggang "Thank You" lang at "I Love You Lord!" (with matching iyak, taas ng kamay, luhod, sigaw, etc..) ang isagot natin.. tayo ay hindi bini-bless para lang ma-bless tayo, kundi para maging blessing din tayo sa iba, at ma-glorify si God dahil doon. Ang KC ay isang napakalaking blessing sa akin ni God, at napakadaming blessings ang kasama nito...

At tumimo sa akin yung nakakaiyak na "washing of the feet" na hindi basta-basta ang pag-Feed ng sheep nya.. ang mga counselors at staff na tiningala namin sa loob ng 24 araw ay andun, nakaluhod at naghuhugas ng paa (bukid yun, at syempre, sanay na kaming nakasandals lang sa campsite at madumi ang mga paa.. pa-itiman!!) - pero hindi pa yun ang nakakaiyak... mas matindi nung habang pinanonood ko sila, aking napagtanto na yun ang extent ng dapat na response natin sa Grace nya, mag serve to the point na ididisregard ko ang lahat, luluhod, at maghuhugas ng paa.. pero hindi pa yun ang pinaka nakakaiyak.. pinakamatindi nang maitanong ko sa aking sarili, "ganito ba ang ginagawa ko nang nagseserve ako kay God? May pinipili ba akong paraan ng pagseserve sa kanya? Mas pinpili ko bang magserve kung comfortable lang ako at ang situation? Ganito ba kalalim ang pagserve ko kay God? kakayanin ko ba ito??? Nakapaghugas na ba ako at willing makapaghugas ng paa sa pagserve ko kay God??"

Nang ako ay huhugasan na ng paa, tinanong ko sila kuya tan at ate mutya (ang aming counselor sa SG) habang namumugto ang mga mata at nag-iiyakan kaming lahat...

"nagpepedicure din ba kayo?" hwehehe..!!! (n_n)

Minsan, dahil sa sobrang blessed na tayo, nagiging overfamiliar na tayo sa mga blessings nya, at hindi na natin ito pinapansin.. hindi na natin alam na bini-bless na nya tayo sa madaming pagkakataon... hindi tayo makapagbilang ng blessings, hindi dahil sa wala tayong natatanggap, kundi dahil dinededma natin ang mga maliliit, maging ang mga malalaking blessings ni Lord.... Maging ang realisasyon na tayo'y niligtas niya mula sa kasalanan ay hindi na tumitimo ng malalim sa ating mga puso... nawawala na ang kaligayahan ng pagpili niya sa atin...

Gaano kalaki ang mga blessings na iyong natanggap, at patuloy na natatanggap mo? Nabibilang mo ba kung gaano kadami ang blessings ni Lord sa iyo? o binibilang mo pa nga ba ang mga blessings niya? At sa bawat blessing, paano ka nagrerespond kay Lord?? Nagseserve ka ba na hindi alintana kung ano man ang iyong kalagayan, ang environment kung saan ka maglilingkod, at kung sino/ano man ang iyong paglilingkuran??? Paano ka magserve at ano ang attitude mo sa pagseve sa kung saan ka man tinawag upang maglingkod???

Sa ating paglilingkod, huwag nating alisin sa ating isipin ang grace ni God sa atin.. kung gaano nya tayo kamahal, at ang ating response na dapat ay nababalot din ng ating lubos na pagmamahal sa kanya.. at kasama nito, ang pagmamahal natin sa kanya na dulot ng kanyang Grace ang magtutulak sa atin na maglingkod, hanggang sa ating paghuhugas ng paa ng iba upang makapaglingkod...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Powered by Blogger



get toggler @ flooble