10/16/2006
Hindi na ako sanay na walang ginagawa pagdating ng gabi.. naiilang na ako kapag nakatulala na lang sa wala, iniisip kung ano ba ang pwedeng gawin.. matapos ang isang linggo at ilang mga araw na walang tulog dahil sa mga exams at mga papers at mga requirements at mga trabaho sa church at esbi at iba pa, nag-adapt ata ang sistema ko nang hindi ko inaasahan, at hindi ko ginugusto. sa bawat gabi ng pagpupuyat, ng pagtulog ng dalawang oras lang, sa pagmamadali tuwing umaga, sa pagkahilo matapos mag-aral habang biyahe sa bus at jeep, sa kawindangan - palagi kong inasam ang bakasyon, o kahit isang minuto lang na wala akong gagawin.. ngayong dumating, parang kakaiba ang pakiramdam - hindi ko maintindihan.. nung dati, sa sobrang daming kelangan gawin, wala akong magawa. nakakatamad gumawa.. ngayon, nakakatamad magpakatamad.. ewan.
ngayon, alam ko nang posible palang makaraos sa apat na magkakasunod (dalawa doon ay magkasabay) na exams, kasabay ang isang paper, habang nag-oorganize ng isang event para sa youth ng church.. mahirap, pero masaya. nakakahilo, pero ang sarap isipin. nakakawindang, pero enjoy. ewan.
at astig ang youth gig!
friday ng hapon, pagtapos ng final exam ko sa stat 101 ay dumiretso na ako sa church para sa mga last-minute na pag-aayos, para ready na pagdating ng 6pm. mga 3pm pa lang ay medyo ok na ang lahat - wala na kaming makitang kelangan pang gawin, ayos na ang sound system, ang arrangements at iba pa, lighting na lang ang hindi pa natetest dahil medyo maliwanag pa. nag-aral na lang ako para sa exam ko bukas at umidlip nang sandali. ngunit hindi may mga hindi inaasahan na dumating. mga 6:45pm, biglang umulan ng malakas. ibig sabihin, babaha sa harap ng church kung sakali. matapos ang ilang sandali, nagfluctuate ang kuryente - pumatay ang mga elecrtic fan, mga lights, ang lcd - pwede namang mag-gig ng walang ilaw, pero hindi pwedeng walang musical instruments. matapos pa nun, na-late ang unang banda dahil na-stranded daw sa may macarthur hiway.. ang calltime na 6:45pm, na-move ng isang oras mahigit. natuloy ang "on-the-spot band", at dumami pa sila, kahit na matagal na naming nirereject yung ideyang yun.. pero astig. akala namin, ayus na ang lahat. akala namin, kaya naming patakbuhin nang kami kami lang. akala namin, magagaling kami dahil sa mga preparations, etc. napaisip ako sa sarili ko, kung hindi siguro mangyayari ang mga yun, magiging malakas ang temptation na isipin na wala na nga kaming ibang kailangan upang magawa ang event. astig. merong mga bagay na wala na sa kontrol natin. merong mga bagay na hindi natin kaya. astig. hindi hinayaan ni lord na mawala sya sa isip namin. hindi nya hinayaan na magulo ang buong event, kung hindi siya ang magoglorify. at tunay nga na siya ang nag-move sa gig. astig ang mga banda. astig ang mga audience na nagparticipate. astig ang mga nag-accept kay christ sa gabing iyon. astig at hindi na ako maghihintay ng blessing paggising ko bukas. hindi lang ang music, ang mga tao, ang pagkain, o kung ano man ang enjoy sa gig. sobrang enjoy na makita kung paano magwork si Lord, kung pano maglorify ang name nya.
sa February ulit!!!
Random:
Faith: we should avoid asking "why", but ask "to what end?"
mag iisang taon na ata at hindi ko pa napapalitan ang background ko... =s

0 Comments:
Post a Comment
<< Home