june 27 2007
ayaw ko pa matulog...
gusto kong sulitin ang ika-20 kaarawan ko. kelangan ba maging masaya? o kelangan ba malungkot?
salamat sa Diyos sa mga bumati sa akin. salamat sa mga bumati sa bday ko. di lang dahil naalala nyo ako, pero dahil pinaalala nyo din sa akin na bday ko pala. may mga pagkakataon kasi dati na lumilipas lang tlga ang june27. pero ngayon, sa dinami dami ng binati, di ko nagawang hindi magbalik tanaw sa mga ginawa ni Lord sa akin. salamat uli at pinaalala nyo sa akin, or tinulungan nyo akong mag-alaala. tinulungan nyo din ako na maglook forward sa future. ewan ko lang kung sumobra ba ang paglook forward ko. bigla din akong kinabahan. ewan.
nalulungkot ako dahil kulang sa isang taon na lang ang itatagal ko sa UP Diliman. kakaiba ang bday na to kumpara sa mga lumipas na. parang panibagong yugto tlga ng buhay ko ang tatahakin. kulang sa isang taon na lang para sa pukpukang ministry sa campus. kulang sa isang taon para makapagrelate sa mga estudyante. kulang sa isang taon para mai-share ang buhay ko sa iba. kulang sa isang taon para ibuhos ang napakaraming energy sa napakaraming bagay. ewan. di ko naman naisip na magiibang anyo ako kapag nawala yung "teen" sa edad. pero kahit naman nung teen ako, mukha daw akong matanda (ayaw lang nilang sabihing 'mature' at pogi..nyahaha!). andaming kelangan harapin. kahit ngayon pa lang, sa pagtatapos ng 2007 ay nakikita ko nang madaming mangyayari. Thesis. Esbi. NMAT. mga bagay na pinag-iikutan ng isip ko.
magulo.
pero masaya din dahil sa 20 taon na lumipas - sa dinami-dami ng pinagdaanan at hinarap, nakita ko kung gaano naging faithful si Lord. at lubos lubos ang aking ligaya sa twing inaalala ang mga ito. ang mga masalimuot na panahon. ang pagrealize ng sariling unworthiness. ang pagbabago. ang grace Niya. ang layunin at pagtawag Niya sa akin. ang mga pagtalikod. ang pagpupumilit Niya sa bawat kong pagpalag. at ang kanyang araw-araw na pag-ibig.
naiisip ko din naman na bakit kaya yung iba, 'komportable' ang buhay? bakit sila 'konti lang ang iniisip?' pero nakakatuwa dahil hindi ako iniiwan ni Lord. sa bawat tanong ay andyan ang kanyang kamay - wala na lang akong imik. tatahimik na lang.
ano na kaya ang sunod?
sa mga naalala ko, kailangan pa bang itanong yan?? andami na Niyang ginawa - 20 taon pa lang, pero mahirap na nga magbilang (tres lang ako sa math17..). kelangan lang isurrender ang sarili. maghanda para sa kung ano man ang gagawin Niya. ayaw kong manguna. ihanda lang ang sarili. wag kabahan. sumuko. maghanda. hindi ko pa alam ang magiging direksyon ng buhay ko - hanggat hindi naa-approve ang thesis topic ko. hanggat hindi pa ako nakakapag-exam sa NMAT at lumabas ang result. hanggat wala pang nangyayaring malaki sa mga pinagkakaabalahan. hanggat malabo pa ang mga bagay bagay. pero kailangan pa nga bang luminaw para magtiwala sa Kanya?
salamat sa pagpapaalala na hindi ko naman alam ang lahat dati. salamat sa pagpapaalala na kailangan ko lang patatagin palagi ang faith ko sa Kanya.
sana nga ay mas tumatag pa ang pagtiwala ko sa Kanya. sinimulan ko ang araw na ngarag - dahil napuyat ako at late nagising. dahil nagmadali ako papuntang UP, at walang masakyang jeep sa Quezon Ave. dahil nagtitipid sana ako pero kinailangan kong sumakay ng dalawang jeep, kaya doble gastos sa pamasahe. dahil na late ako sa FG intro ng esbi. dahil late na kami nakapag start ng exec mtg. dahil... dahil late na din kami natapos, at na-late ako sa prayer mtg.
pagod ako pagdating sa prayer mtg. pinagpray ako ng mga pastor nung patapos na yung program. andami nabanggit ni Pastor D. nagulat ako sa ilan. hehe, lalo na nang ipagpray nya ang "Life Partner" ko. (o_0) haha, nauna pa yun kaysa sa pagpray sa future career ko. di ko inexpect na naisip nya yun..?!? napa-mulat ako at natatawa. pinigilan ko naman. nagulat talaga ako, hindi ko inexpect - buti pa ako, hindi ko pa iniisip yun. haha. oo nga, madami ang nagtatanong. kailangan na bang isipin? nakakatakot din naman sabihin na "conviction yun ng Holy Spirit para maipagpray sa iyo." haha. pero sabi ko nga, madaming mga bagay na hindi na dapat itanong o isipin...?? sa ngayon..? pero basta, anlabo lang talaga. haha.
sa bawat sandali ng araw na ito ay pinaalala Niya ang kabutihan Niya.
wala na akong ihaharap.
wala na akong sasabihin.
(DISCLAIMER: una, isang taon na din pala halos na hindi ako nakapag-blog. ikalawa, Blog ko to. at salamat din pala dahil nakabili ako ng "bday gift" para sa aking sarili.)

1 Comments:
Happy birthday! ANg haba ng post mo ah.
Wag ka masyado magpaka-pagod. you're still young. enjoy your youth dude!=)
*o game, joke na ulet8
hehe. *taptap*
Man of God ka talaga! Proud of you!
Post a Comment
<< Home