Sunday, July 17, 2005

Loose Bowel Movement II

nagmamadali kang pumasok.. mala-late ka na..
pagkatapos na pagkatapos ng mabilis mong paglunok ng agahan, mabilis na ang paglakad mo papuntang sakayan.
siksikan sa bus, nakatayo ka, hindi pa bumababa ang nakain mo..
pagdating mo sa klase, dumating ang hindi inaasahan..

sumakit ang tiyan mo..

pero hindi ka makatayo at makaalis dahil importante ang klaseng yun..
suplada rin ang titser, at alam mong bawal ang makaistorbo..
matagal mong pinigil ang sakit, tiniis ang bawat kirot -
ngunit 30 minuto pa lang ang nakalipas sa klase, isang oras pa..

hirap na hirap ka na, pero hindi mo pinapahalata..
nakakahiyang mahulaan ng katabi mo ang pinagdaraanan mo..
crush mo pa naman siya, mahirap na..
tinago mo ang pamimilipit sa sakit.

isa pang 30 minuto ang lumipas.

hindi mo na talaga kaya.
guguho nga ang iyong mundo, ngunit kailangan mo nang gawin ang dapat..
tumayo ka sa iyong silya, lumabas ng kwarto..
diretso sa CR..

masarap ang pakiramdam - isang malaking kaginhawaan..
parang exam sa chem16..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Powered by Blogger



get toggler @ flooble