Thursday, November 02, 2006

10 1/2 hrs sleep.. plus natulog pa ako nung hapon.. solb!! bawing bawi na sa puyatan at paguran nung lcdc na 4hrs ang max tulog ko.. parang hindi ako nauubusan ng gagawin sa bawat araw na lumilipas.. sa umaga, kelangan maaga magising dahil gigisingin ko pa ang taga-gising ng campers.. sa gabi, kung walang exec mtg, kelangan maghugas ng pinggan.. once na late ako nagising.. twice lang ako nakapag-cabin dev...

di ko naman kasi talaga kayang gampanan lahat ng trabaho.. kaya nga dalawa naka-assign sa admin, dahil dami pala talaga kelangan gawin.. sa kasamaang palad, na-dengoy si ehco.. hehe.. laboh.. nung dati, sya ang masipag na palagi umaatend ng meeting ng mlc.. ako, mga 4 times lang ata nakapag-overnyt, dahil alam kong konti lang ang pag-uusapan sa admin, dahil mas 'hands on' ang trabaho.. tapos pagdating ng camp, ako naman naiwan... nakakatuwa.. hindi ko kaya ang trabaho, alam kong hindi ako dapat dun.. dapat nag-"security guard" na lang ako or "escort", kaso wala naman ganun..

nakakatuwa, dahil sa bawat araw ay alam kong si Lord talaga ang tumutulong sa akin.. kahit na kulang sa tulog at bangag at hindi na namamansin ng campers dahil sa pagod, si Lord ang nag-enable sa akin at nagbigay sa akin ng strength..

sori sa mga na-supladuhan ko.. baka kasi di na gumagana utak ko nun at hindi na ako marunong ngumiti.. ngumingiti naman ako minsan, pero hindi ko na alam kung pano sabihin ang "kamusta".. nangungumusta naman ako minsan, pero bangag lang talaga ako...

nakakagulat din.. dahil nung pre-camp, sobrang relax.. ang ganda ng lugar, ng sunrise tuwing umaga, at mga stars sa gabi.. malamig ang simoy ng burak galing sa laguna lake.. kung pwede lang sana magcamp na walang campers.. tapos, nakakagulantang lang pagdating nila.. wehehe! pero masaya.. masayang makita silang nakangiti.. wag lang sila mag-pasaway... minsan kasi, nakangiti pa din sila kahit "Lights Off" na... di na nakakatuwa.. bwehehe!!! (n_n)

ang galing din na nagwork si Lord nung isang gabi.. na sa exec mtg, sa halip na konti lang ang pag-usapan namin, nagmove talaga sya para ibreak ang bawat isa, at nadamay pa lahat ng counselors.. natapos kami ng 4am.. hindi na kami natulog sa exec.. tapos na silang magcabin dev nun at halos tulog na lahat ng counselors nang magdecide kami na ituloy ang pagkausap sa mga counselor.. pinagising ang lahat.. ang galing.. dahil hindi hinayaan ni Lord na maging pasaway na counselors kami.. ganun nya kami kamahal,.. at patunay na siya ang may hawak ng lcdc...

maya-maya (or kinabukasan), nag feet-washing kami.. pagpapakita ng aming service sa mga campers at simbolo din ng humility sa aming mga counselor.. nakakatuwa, dahil ginamit ni Lord ang situation upang mabreak din ang ilang mga camper.. nakakatuwa, dahil instead na makita nila ang aming kahinaan at mga pagkakamali, ginamit yun ni Lord para ma-humble ang bawat isa... astig.. nakaka-guilty lang dahil madami kaming campers at counselors napaiyak.. unusual kasi sa isang 1 week lcdc na may iyakan.. ehehe.. sabi nga ni ian, naiyak sya dahil andaming paa na kelangan hugasan.. (o_0)

astig din si Lord na magwork sa funds ng lcdc... nung 3rd day ng camp, nag-iisip na kami ng mga cost-cutting at iba pang paraan para ma-minimize ang mga gastos.. medyo namiga na din kami ng mga bisita.. camp na, pero sobrang laki pa ng kelangan naming pera.. subalit instead na kulangin kami, ay andami pang sobra!! nakapagmeryenda pa kami ng buko pie sa post camp, nakapag-mcdo pa ang mga counselor pauwi, at naayos ang travel namin..

kahit na pasaway ang mga counselors.. andaming kc2k6 na mga pasaway (kasama ako dun, lahat ata ng kc 2k6 ay pasaway), at pasaway din ang madami pang counselors... kaya kitang-kita din kung pano nagwork si Lord sa buhay ng bawat-isa sa amin, at kung pano namin nagampanan ang pagiging mga "kuya" at "ate" sa camp..

sobrang masaya ang pakiramdam.. ayaw ko naman sabihing ako ang dapat sisihin, pero nakakatuwa lang isipin na nagwowork talaga si Lord kapag nagpray ka.. bago magcamp, at maging nung pre-camp at duration ng camp, yun na ang prayer ko - na si Lord ang magwork sa camp.. wag na matuloy kung wala sya.. at yun nga.. nakakagulat lang.. he worked in ways i did not expect.. astig! ika nga, kung ineexpect natin sya magwork, dapat ready tayo sa mga gagawin nya.. nakakagulat.. at sobrang nakakaoverwhelm...

nakakatuwa din ang buhay ng mga campers.. kahit na konti lang ang mga nakausap ko talaga, liban sa aking mga cute na SGmates.. kinakausap ko lang kasi yung iba kapag gusto kong sabihin na "oi,tulog na kayo ha.. bawal na uminom ng tubig, alas dose na.. ui,ganda mo sana ngayon, kaso bawal yang sleeveless eh.. cabin dev na.. balik na sa session hall,.. etc".. pero nakaka-bless na makita lang sila sa camp.. nakakatuwa din na makapaglcdc sa ibang perspective.. nung dati kasi, pang-camper lang ang alam ko.. ngayon, parehong camper at counselor na.. minsan, mahirap nga lang i-balance.. alam ko ang nararamdaman nila at ang kanilang pangangailangan, pero dapat isabay din sa panuntunan ng camp.. mahirap talaga.. kaya astig, dahil si Lord lang ang naging tulong sa akin..

salamat sa Diyos sa LCDC!! palagi na lang, nakikita ko kung paano siya magwork sa aking buhay, kung paano sya sumagot ng panalangin, kung paano sya magbless sa pamamagitan ng buhay ng iba..

madami pa akong kwento sa 10 araw na pagstay ko sa Lord's garden... tanong nyo na lang sa mga palaka sa cr ng boys kung ano yung iba...

1 Comments:

Blogger Lorzky said...

sipag mo magkwento kapatid! yah,bait talaga ng Lord. His mercies are new every morning. level up lang talaga ang learning na itinuro sa atin...hindi na talaga tayo bineybi...hehehe...ALL FOR HIS GLORY. God bless you!

9:22 AM  

Post a Comment

<< Home

Powered by Blogger



get toggler @ flooble