Naalala ko nung nagpunta kami sa aming mahal na probinsya, sa mindoro, nito lang nakaraang summer.. Dalawang beses kami nagpunta - isa nung April (holy week), at isa nung May.. Sobrang na-enjoy ko ang bakasyon doon kahit ilang araw lang (overnight lang nung una, at friday hanggang sunday yung ikalawa) - naka-"takas" ako sa mga commitment at mga pinagkakaabalahan.. Naenjoy ko ang byahe sa barko, ang muling makita ang Calapan Pier, ang magulo at "mala-probinsyang" palengke sa bayan, ang muling makapunta sa bahay namin doon, ang makita ang aking mga pinsan, ang magbabad sa mga libreng beach, ang pagpunta sa ilog, ang matulog, ang kumain, at iba pa. Naging oras din yun para maka-habol sa bilis ng takbo ng buhay - o kahit papaano ay panandaliang makahinga sa pagtakbo. Matagal na kaming hindi nakadalaw sa mindoro - mga lima o walong taon na siguro, pero mabuti at hindi pa umabot ng 10 years.
Nung nakaraang semestre, pinangarap kong magpabigat ng timbang. Subalit sa gitna ng aking pagpapagal (o pagkain ng madami..), wala pa ding nangyayari. Nung nagpunta kami ng mindoro, limang kilo ata ang nadagdag sa akin - dalawa lang pala, o wala pa talaga sa dalawang kilo, pero ayos na din. Pano ba naman kasi, wala kaming ginawa kundi kumain, matulog, kumain, magswimming, kumain, kumain, matulog. Ang pinagkaiba lang siguro nung una at ikalawang punta namin, mas madaming pagkain nung pangalawa. Salamat sa Diyos sa pahinga at sa saganang hapag kainan.
Naenjoy ko ang swimming, hindi lang dahil libre. Nakakatuwa na naiba naman kahit minsan ang aking mga nakikita. Dati, puro bus, usok, ibat ibang mga mukha, basura, mga building, at iba pa - napalitan ito ng nakakasawang luntian ng mga puno, ng banayad na dagat at ng maaliwalas na kalangitan. Parang nasa ibang dimensyon. Iba ang mukha ng sunset sa mindoro kumpara sa maynila. Iba din ang kalangitan kapag gabi. Hindi mo maiisip na madilim, dahil sa liwanag na bigay ng buwan at mga tala. Naalala ko nung KC sa Bacolod, puno din ng bituin ang langit twing gabi, maliban na lang kung uulan sa umaga. Pero minsan kahit maulap, tila lumalaban ang liwanag na dala ng mga bituin sa gabi. Nung isang pagkakataon pa nga, habang oras ng Small Groups ay nakasaksi kami ng shooting star (ano ba sa tagalog yun??? (o_0) ). Mabilis itong dumausdos sa kalawakan - sandali lang ang liwanag, ngunit sapat na ito upang hindi mapansin ang bumabalot na dilim ng gabi. Nung Youth camp ngayon ding nakaraang summer, nakita ko din kung paano tinadtad ng mga bituin ang kalangitan ng Rizal. Kaunting tingala lang sa gabi, bawi na ang pagod nang nagdaang araw. Hindi ako kapre o manananggal, o kung ano mang halimaw na lumilitaw at lumalakas lamang sa gabi.. Nakakatulong lang sa akin ang makakita ng tala sa gabi na alalahanin ang kabutihan ng Diyos - at hindi Siya nagbabago, tulad ng hindi pagbabago ng paglitaw ng mga bituin.
Madalas na gabi ako nakakauwi nitong mga nakaraang linggo dahil sa gabi matapos ang Exec meeting, BigF, paglalamiyerda, at dahil nagbalik ako sa pagtrain sa Powerlifting Team ng UP. Minsan, inaabot ako ng 12am sa paguwi. Ngunit habang naglalakad sa kalye, o kahit habang nakasakay sa isang sasakyan na bumabaybay sa kalsada pauwi, kaunti lang ang bituin na nakikita ko - at hindi ito dahil lang sa may artipisyal na ilaw na sa mga kabahayan na tinatabunan ang liwanag ng mga bituin. Tag-ulan ngayon sa Pilipinas. Kaya maulap. Kaya madilim ang kalangitan. Pero wala namang dumadating na ulan. Tila gusto lang talaga takpan ng mga ulap ang kalangitan at tabunan ang mga tala, upang mapansin naman sila.
Pero oo nga, hindi dahil sa hindi mo nakikita ang isang bagay ay hindi na ito totoo o naglaho na ito. Oo nga, kahit natatabunan ng ulap ang mga bituin, hindi dapat hayaan na matabunan din ang pag-asa na nariyan pa din sila at darating ang araw na magniningning sila ulit.

Baka kapag umulan, mawawala din ang mga nakaharang na mga ulap - pero hindi nga umuulan. Bakit maulap kahit hindi umuulan? Nakakapagod isipin. Bakit kaya maulap kahit hindi umuulan? Nagiging mas mahirap tuloy na alalahanin ang ilang mga pagkakataon at mga bagay na parang naging kaugnay o kasama na sa paglitaw ng mga tala. Tinakpan sila ng mga walang hanggang mga ulap. Nagiging madali na isipin na baka hindi na sila magbalik at magpakita ulit..
Pero oo nga, hindi dahil sa hindi mo nakikita ang isang bagay ay hindi na ito totoo o naglaho na ito. Oo nga, kahit natatabunan ng ulap ang mga bituin, hindi dapat hayaan na matabunan din ang pag-asa na nariyan pa din sila at darating ang araw na magniningning sila ulit.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home