transformers
(07/11/07; 7:56pm) nalalasahan ko pa ang brocolli, pepperoni, at white sauce sa aking dila nang dumiretso kami sa Cinema6... (tatlong flavor ng sbarro...(o_O) kadiri din pala kapag napuna mo na tatlong flavors na nagkahalo-halo yun..tatlo dude..tatlo... o well.. ganyan ang buhay..buhay matakaw..nyahaha!)
hindi pa ako muling nakakapasok sa sinehan simula nang - - - di ko na maalala kung ano ang pinakahuling movie na napanood ko. ngunit eto na ako ngayon, may hawak ng tiket, at handa nang pumasok. maaga kami ng mga ilang minuto bago ang simula ng palabas (kung ako lang ang manonood, o kung ako ang masusunod, papasok ako anytime kahit sa kalagitnaan ng sine..eniweys...kasama ko sila barbi at bcel.) ilang trailers muna ang lumipas bago nagsimula ang sine. ang mga unang bahagi ay walang naging epekto sa akin. bago ang lahat ng nakikita ko sa screen...
ngunit - nagbago ang lahat nang lumabas si Optimus Prime... isang kakaibang pakiramdam ang dumaloy sa aking mga laman - ang pakiramdam ng dati. pakiramdam ng - - pag-iwan sa pagkain upang umakyat at manood ng tv...isama pa si kuya...paglakas ng volume at pagtalon-talon dahil sa excitement na mapanood ang cartoons; o, gusto ko lang tumalon na walang dahilan; o napapatalon lang talaga ako...pag-aaliw sa sarili sa gumagalaw na mga makukulay na hugis - barilan, lipad, habulan, transform, habulan, lipad...pakiramdam na walang ibang iniisip kundi - - wala talaga - - wala...pakiramdam ng 'aftershock' matapos manood - iniisip na lahat ng laruan ay kayang magtransform...iniisip na ang pulang laruang truck na hawak ko ay si Optimus Prime..sya kasi ang paborito ko nun - hindi lang sya ang bida, kundi dahil sya ang pinakamalaki sa kanila...gusto ko naman din si StarScream, at saka yung helicopter (anu nga ba pangalan nun???..)...
pero iba si Optimus Prime. at nang nagpakita sya sa screen, tila natigil ang mundo ko - nagbalik sa nakaraan - sampung taon mahigit ang nakalipas - sa nakaraan na gumagalaw na mga makukulay na hugis pa lang sila. nakakamiss din pala ang mga panahong iyon - mga panahon na kasama ko pa si kuya at kalaro manood ng tv. mga panahon na walang ibang kelangan isipin - tumalon lang ng tumalon. panahon na kapag natapos ka tumalon, tatalon ka ulit - at pagagalitan ng yaya dahil maingay daw. panahon na hindi na alintana kung ano ang pagkain, kung sbarro man o hindi - dahil hindi ko naman din uubusin. panahon na pinangarap ko dati magkaron ng sasakyan na nagiging robot - panahon na hindi kelangan na may saysay ang lahat.
balik sa aksyon.
medyo naging nakakapagod ang pelikula - halos tatlong oras na puro habulan at transform-an at barilan na hindi tumatalab..pero may aksyon din sakin, dahil nilabanan ko ang pagod na bumibilis ang paghabol dahil nga nakakapagod ang mga pangyayari...syempre, nanalo ang bida - at nabuhay pa nga si bumble bee (hindi na sya Volkswagen, kundi isang Sports Car na Chevrolet (?) - tsktsk...nasira ang simpleng ligaya..sapat na sana na nagiging robot sya). paglabas sa sinehan, parang lahat ng bakal ay bigla na lang mabubuo sa isang hugis na gumagalaw ng sarili, at aatake. pag-uwi, parang bigla may magtransform na bulok na sarao, may hawak na gulok na pulos kalawang- o magtransform yung bus na green na bago kung saan ako nakasakay...o baka pati yung sidecar...
ewan.
last full show yun...pag-uwi ay may dalawang paper ako na minadali - excited pa din kahit hindi naman dapat 'excitement' ang nararamdaman (pano magiging excited kung tapos na??)...mabuti at hindi nagtransform ang PC, kundi, wala ang maipapasa kinabukasan.
DISCLAIMER: oo, wala ako sa mood mag-blog sa English...

1 Comments:
ayos tol! nice read. madal dal ka nga sa blog! natuwa ako sa transformer entry mo! hahaha .. ako natuwa sa human side na binigay nila sa mga bakal boys este transformers.
Post a Comment
<< Home