nanggaling ako sa prayer mtg (na, by Gods grace, ay maging "Midweek Service" na eventually..)
as usual, may groupings din sa prayer time.. at dahil medyo madami kami (25 lahat.. may times na mas madami pa dun, mga twice a year nangyayari - pasko at bigtime birthdays na nataon sa wednesday..) 9 groups kami with 3 to 4 persons. Dalawang nanay ang nakasama ko sa group.. grabe.. ang tindi ng na-share ng isang mother.. tatlo sa apat na anak nya ay nasa college.. yung panganay, nagwowork ng part time sa jollibee, yung second sponsored sa bible school, at yung third ay sa vocational na electronics course.. i was caught speechless matapos marinig ang kanyang naishare.. sobrang wala sila, financially, pero sobra din na naipakita nila ang dependence nila kay God.. sa bawat blessing na matanggap nila, kay God nila sinisisi.. isa dun yung sa 2nd na anak nya, na nagulat na lang at may nagsponsor na pala sa kanya (supposedly, gagawa pa sya ng letter sa president ng school, dahil may foundation yung isang church member namin na nagiisponsor sa mga students from our church..) ayun.. nakakabigla, nakakagulat na ikaw na walang pera ay hindi kailangan lumapit sa sponsor - may dumating na lang basta.. at si God ang may kasalanan.. kapag may hindi nabayarang food sa canteen, bigla na lang may magbabayad, hindi kilala kung sino.... yung panganay naman na nagpart time, medyo free ngayon ang sked dahil 4 hours na lang sya per day (dati ay 6 hours..) at nakakabless dahil nagbawas pa talaga ng sked sa trabaho, at maging sa iskul para lang maka-attend na ulit ng church at prayer fellowships... astig...
ako.. kanino ako tumitingin kapag may kailangan ako?? o, mangangailangan pa ba ako, ngayong halos lahat ng gugustuhin ko (na hindi naman siguro ganun kadami..) ay mabilis ko lang makukuha..? kinakailangan ko pa ba ang Diyos, ngayong kuntento ako at masasabi namang madalang lang kung magkulang? si God ba ang tinitingala ko kung may makuha ako, lalo na sa lahat ng meron ako ngayon??? grabe.. nakaka-humble talaga.. at nakakapang-gising.. na hindi ko pa siguro talaga na-let go ang lahat to the point na si God lang ang kakailanganin ko at sa kanya lang ako magdedepend.. ewan ko kung ano pa masasabi ko, natameme talaga ko at hindi nakapagsalita matapos marinig ang kwento nya...