Monday, September 03, 2007

masaya ako ngayon. naka-GOAL ako kanina sa FUTSAL..woohoo!!!

..isa ang Futsal sa mga bagay ngayon na nakakapagpasaya sa akin. Hindi ko naman pers taym na maka-Goal..pero wala lang..masaya. =)

Tatlong games kami kanina, 2 goals per game (pwedeng tie..basta 2 goals made, tapos na ang laro.). Ewan ko ba kung bakit napapayag nilang mag-Goal keeper ako sa first two games. ayoko mag Goal keeper, una sa lahat, dahil hindi ako marunong talaga (hindi ako sanay na mang-block ng bola gamit ang kamay ko, so minsan, nagta-tumbling pa talaga ako para lang magamit paa ko..hehe), pangalawa, dahil hindi ako nakakatakbo (hindi ako nakabili ng dyaryo kanina, wala akong mabasa habang naghihintay ng kalaban..at mahirap magenjoy ng laro nang hindi,o madalang lang na tumatakbo (>_<), at pangatlo, hindi naman talaga tinuturuan ang PE class ng mga strategies ng game (minsan, parang "agawan buko" ang laro, nagkukumpulan, walang triangle, walang man-to-man, etc..)kaya mahirap mag-Goal keeper! hehe..eniwey, ayun. Siguro, pumayag na din ako mag Goal Keeper dahil nung mga nakaraang klase ay nabababad ako sa laro. pero syempre, ang mababait kong mga kaklase ay pumapayag lang na mag-Goal Keeper kapag pagod na sila (dahil madalang nga tumakbo ang goal keeper..) so ayun, nung third game lang ako nakatakbo talaga. medyo advantage para sa team namin, dahil lamang kami ng isang player, although skill wise ay sobrang wala kaming maipapalag.. Hindi naging madali yung third game, dahil nung unang part ng laro ay puro attempts ng kalaban. Hindi ko na talaga maalala kung paano na-shift ang equilibrium (na-out of bounds ata..), pero biglang nalipat sa kabilang court ang bola. Ayan na. Mabilis ang mga pangyayari. Dalawang beses ko nasaksihan na nasa ere ang bola. Yung unang pagkakataon na nasa ere ang bola, dulot ng goal kick ng goalkeeper namin, nasa back ako, playing defense (na supposed position ko talaga palagi..dahil nakakatakot mag-forward, bawal ang lampa.haha)..ang galing ni teammate! although hindi natamaan ng heading nya ang bola, sumakto naman sya, so naturn over samin ang possession..pero hindi pumasok sa goal..naka-ilang goal kick at inbound ang kalaban matapos nun..at unti-unti, umaangat ang pwesto ko (binabantayan ko din kasi yung isang kalaban na forward..malabo..)..napunta ako sa may midfield - sa isip ko, depensa pa din ang laro ko. Kami na ang nag-aattempt na mag-Goal, at naging madalang ang turnover ng bola sa kalaban. Mga ilang attempts uli at ilang inbound at goal kick ang lumipas, ayan - ang ikalawang paglipad ng bola..medyo mataas, at may hang time..goalkeeper ng kalaban ang sumipa.binabantayan ko yung kalaban kanina..nasa midfield kami, right wing..nakatingala ako. nakatingala din sya. nang papalapit na ang bola.. *tugudoinks!!!* may mga bituin akong nakita..nauntog ako sa ulo nya..nagtawanan mga klasmeyt namin na nakaupo..comment ni sir, "di bale, pareho naman kayong kalbo".. (o_0) play on.. naalog talaga ang utak ko, at naging disoriented..naalala ko na medyo nakapikit ang isa kong mata..nahilo (hanggang ngayon, masakit pa yung ilong ko at kanang mata)..apir sa klasmeyt at konting ngiti at tango..play on nga..bola namin..attempt..wala..hindi ko na maalala ang mga lumipas na mga pangyayari, pero dumating sa point na nag goal kick ang kalaban, at nasangga ko, pero paling ang sipa (>_<)..isa lang ang bantay, at dalawa kami..hinabol nung ka-teammate ko (na sit in galing sa sunod na class..)..nasa gitna yung kalaban..takbo kami ng mabilis.."Go, GO!" -sigaw ko..nadala namin ang bola sa goal..hawak ng kateammate ko..tumama sa bakal..nagcomment si sir "wag mo naman itama sa bakal..blahblah.." di ko na ulit alam yung mga sunod na nangyari..disoriented pa din ako sa pagkakauntog..pero matapos ang goal kick, pasahan, at ilang sigawan, nagulat na lang ako na hawak ko ang bola..haha, defense! (o_0) wala akong choice..walang kakampi, isa lang ang kalaban..lagpas na ako sa midfield, pero medyo right wing pa din..wag na magisip..takbo na lang..pagtapat ko sa goal keeper, hindi ko alam kung pano nangyari, pero sinipa ko yung bola sa kaliwa..so medyo parang "fake" na hindi, dahil nakatingin ako nang diretso..haha! natuwa ang mga nakaupo naming klasmeyts - hindi naman siguro dahil sa akin, pero ibig sabihin kasi, tapos na ang laro namin, at sila naman ang maglalaro..nakakatuwa pala pero nakakalungkot..na tapos na - at masakit mauntog sa ulong kalbo.. (>_<)

1 Comments:

Blogger molly said...

ano ang futsal? futbol din ba yun na sal ang gamit imbis na bol? :-) wekwekwek :-)

11:37 AM  

Post a Comment

<< Home

Powered by Blogger



get toggler @ flooble