RAN-dom-T-hought-S
- yey! salamat Lord sa bagong rubbershoes. woohoo! salamat sa dalawa kong muse na sila blesscille at johanna lise. salamat sa pagsama paikot ikot sa esem para sa hanapin ang "The One" na shoes. gusto ko kasi ay all-terrain or cross-training na shoes, para bumagay sa mga kalikutan ko sa Kolehiyo ng Pantaong Kinetika. hehe. pero ang shoes na nabili namin ay running shoes. ok lang, naisip ko kasi na running shoes ang kalimitang ginagamit as "drumming shoes" (medyo mabigat nga lang yung adidas..pero nagra-rhyme naman - running/drumming..yehey!), at medyo konti na lang ang sport ko sa aking huling sem sa UP (pero iniisip kong mag extra PE ulit ng futsal.. =)
- blesscille, sayang talaga yung 3 games sa free shoot-out ng Toby's!!! pero malabo naman talaga yung free shoot-out na yun. ang mechanics kasi, every P1000 worth ng purchase ng ANY product nila, may libreng isang game. eh pano yun, RUNNING SHOES ang binili ko, hindi BASKETBALL SHOES..diba dapat FREE RUN ang meron ako, instead na FREE SHOOT-OUT??? tsktsk..duuuhh....
- mali talaga ang sistema ng sbarro. kelangan nila magdagdag ng cashier booth.
- hindi ko naiblog ang mga pangyayari nung nakaraang dalawang linggo. napaka-busy kasi. ang grim at agonizing din naman nung 2 weeks na yun. pero gusto ko pa din sila iblog. pero after na ng proposal ko sa tuesday.or, after manood ng resident evil 3. haha
-transformers ang huli kong napanood na sine sa sinehan.
- hindi ko pa din makalimutan yung pilit kong itinayp na draft ko na blog sa gitna ng kabusyhan- tuwang tuwa kasi ako sa natype ko - pero sa notepad ko lang tinayp, inupload, pero di sinave sa PC...ayun, naglaho na ang "draft" at hindi na muling maibabalik..
- hindi ko magawa ang mga kelangan kong dapat gawin. hindi ko pa kasi nauubos yung dinner ko na siomai with soup..unfinished business ang siomai. kelangan muna tapusin bago gumawa ng iba. kelangan ko pa din pala muna magtimpla ng kape bago ko gawin yung kelangan ko gawin.
- naha-hyper ako. baka dahil sa San Mig strong coffee??
- ewan ko ba kung ulyanin ako, hindi organized, or Hyper-Mode lang talaga..pero every now and then, lagi kong inaalala ang mga kelangan kong gawin sa mga susunod na tatlong araw..tatlong araw! usually, nagaalala lang ako ng ganun kapag 1 whole week ang jampacked...but no..3 days lang! argh..nakakafrustrate mafrustrate. (-_-). sana nababawasan ang mga kelangan gawin sa simpleng pagaalala sa kanila..kaso hindi.
- < may naisip akong next na itatype na para sa line na ito, pero dahil mahaba yung previous line, nalimutan ko na.. >
- ang primitive. isang buong mag-umaga akong nakaharap sa PC..nagreresearch para sa isang paper (10 'abstracts'..kelangan gumawa ng sariling mga abstracts ng mga research theses tungkol sa ergogenic aids and nutrition..ibig sabihin, kelangan din basahin yung 10 theses na yun.). naka-upload sa net yung notes ko para sa exam bukas sa isang subject..inencode ko yung notes from powerpoint to notepad. ready na ang paper, ink, microsoft word, at ako sa pagprint. tenen! walang ink! argh.. (>_<) virtually, i wasted about 3 hours of my time sa pag-encode..pero ok lang..primitive, dahil ngayon, isusulat ko na lang yung notes sa aking notebook ('notes' sa 'notebook'..makes sense..?)..at yun nga ang "kelangan kong gawin" ngayon, hindi magblog.
-inubos ko muna yung siomai with soup at nagtimpla ng kape bago ko gagawin tlaga ang kelangan ko gawin. pero mamaya ko na iupload to. well, at least, na-overcome ko ang urge to upload..at na-overcome ko din pala ang temptation na gamitin ang Liwayway gawgaw sa kape, ubos na pala kasi ang gatas, at pareho naman silang puti. - mukhang hindi na naman ako makaka-train bukas, kung mapupuyat ako ngayon. argh. walang kwentang cycle, di na nasunod kahit kelan.. =(
- hanggang ngayon, hindi ko pa din ma-gets ang pagkakaiba ng LACTATE at LACTIC ACID, at kung ano ang relevance ng kanilang pagkakaiba. kung ikaw ay matiyagang nagbasa nito, at alam mo ang pagkakaiba nila..PLEASE, pakisabi sa akin bago ako grumadweyt. salamat. -eniwey, magsusulat na talaga ako.andami. =s get ready hand and finger flexor and extensor muscles!
- after ng isang page (2 columns, size 8 font, arial) ng "reverse encoding" (pagsulat ng notes from microsoft word..), pinasingit ko si mami sa paggamit ng PC. dapat inaral ko yung mga sinulat ko na, pero hindi..nagpraktis ako ng rudiments..nung napagod ang aking extrinsic forearm muscles, naalala kong hindi ko dapat ginawa yun dahil magsusulat pa ako...owel..- nung pinasingit ko si mami, nag-error etong notepad, at hindi pa ako nadala, dahil hindi ko sinave..ayun, nung ise-save ko na, hindi na maretrieve..magwawala na sana ako, buti na lang Hyper-windang-mode ako ngayon. pero syempre, salamat kay Lord at nabuksan ko ngayon. nyahahaha!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home