kagagaling lang ni kuya ptr igi kanina, para dun sa hymns na tutugtugin namin sa monday.. eniweys, nung paalis na sya, nakwento nyang 'ayus daw yung gig'.. medyo nagtaka ako, kasi ang alam ko medyo nagkalat lang ang FHM band, pati ang Jengers siguro.. pero sabi nya, 27 out of the 38 guests ang harvest.. 27 ang nag-receive! (ayon sa post-gig survey namin.. =)
jengers.. jengers tlga.. during ng gospel presentation nila ate nikki at ate cha, na nire-enact ni ate misha (hehe!),
pinagppray ko na sana nakikinig yung guests at maging receptive sa message, at sana kahit isa man lang ang kausapin ng Holy Spirit.. pero nagkamali ako, masyado ko palang minaliit si Lord nun..(sori po.. =) hindi ko inasahang magiging ganun karami.. malamang, nag-piyesta sa langit! hehe..
kahit na parang hindi nakita ang 'excellence' sa tugtog namin nun.. kahit na masyado palang mainit yung spotlights.. kahit na kulang sa meryenda, at hindi ko man lang nahawakan kahit isa sa mga munchkins na binili ko.. kahit na nagkakahiyaan yung mga guests (parang nagkakahiyaan..).. kahit na natalisod si thirdie aka "boy bawang" dun sa last guitar solo ng 214.. kahit na tunog pagod yung pagkanta ko ng PnW (sori Lord..!).. kahit na nawala ako sa last song.. kahit na hindi kami nakapag warm-up at nakapag-timpla.. kahit na sintunado yung gitara ng "surprise (dahil di nila ininform ang Music Director agad na tutugtog sila! biruin nyo yun!?!) invited (dahil wala na akong magawa, kaya napayagan din silang tumugtog) band (dahil mukha naman silang banda, kahit naka-school uniform pa.. wehehe!!)".. jengers talaga!
di ko masabi nung una na "successful" ang gig.. sabi ko lang sa sarili ko na 'successful' ang gig dahil na-present naman namin ang gospel, kaya kahit na hindi maging receptive sa message ang mga tao, ayus lang - at least we did our part.. pero mali pala ako.. sobrang mali ko, dahil kinulang ako sa faith.. kahit na nanalangin na ako.. parang ako yung mga believers na nagpray noon para sa release ni Peter (Acts 12:1-19).. hindi ko inexpect ang mangyayari.. minaliit ko pala si Lord.
Ang galing talaga. jengers.. astig si Lord!!