your drummer
========================================================
waaah.. mamimiss ko drumset ko.. =S oo nga.. dadalhin ko nga si Vladi sa KC, pero iba pa din ang may kaharap na drumset.. oo nga, madami nga akong pwedeng paluing damit, bag, o notebook (at mas maganda syang praktis sa chops (n_n) ).. ngunit iba ang pakiramdam ng pagpalo sa totoong drums.. argh.. isa ito sa mga bagay na humihila sa akin sa pagsama sa KC.. kulang kulang na isang linggo ang nalalabi bago ako umalis.. halos limang araw.. pupunta akong church tuwing ala-una hanggang alas-singko upang magpapalo.. kailangan kong magpahinga para sa KC, pero masaya ako kapag pumapalo ako.. kung pwede lang na mag-back out.. mag back out para magdrums.. kung pwede lang kitang dalhin.. kung magiging sapat lang ang natitirang oras na magkakasama tayo....
hwehe.. pero meron pang ibang dahilan kung bakit gusto kong maiwan..at dahilan ko din ito kung bakit gusto kong sumama.. malabo tlga.. isa dito - nagstart na magplanning ang youth!!! woohoo!!! Praise the Lord!! hehe.. matagal na panahon din akong nanalangin na makahanap ng isa pang youth na makakatulong ko.. hindi ko kasi kaya talagang mag-isang maghatak.. suplado ako.. hindi ako ma-PR.. kahit anong gawin ko, hindi ko sila mahatak.. pero sa awa ng Diyos, hindi ako nakahanap ng makakatulong ko, siya pa lumapit sa akin!!! eheh, sa katauhan ni badik (sobrang blessed ako sayo pare..) sumasakit tlga ulo ko tuwing linggo.. walang nangyayari.. nahihirapan ako.. nabigla naman kasi ako talaga.. dati, paupo-upo lang ako, nakikinig lang.. at nagk-criticize kung may mga mali ang mga youth leaders.. haha! ang sama ko tlga.. pero yun nga, kaya naging sobrang malaking batok sa akin ang pinapagawa sakin ni Lord.. pakialamero tlaga sya.. dati, masaya na akong taga-attend lang.. natutuwa sa mga bagay na katuwa-tuwa.. apathetic sa mga hindi.. naiinis sa mga mali.. nagulat ako, bigla na lang akong kinuha kung saan man.. hindi ako bagay maging lider! ayoko! iba na lang! wag na lang! pero wala akong magagawa, kaya nga siya "Lord" eh.. wala sa plano ko ang magKC.. balak kong kumuha ng Stat101 at HK105 (psychomotor skills) ngayong summer.. kailangan ko silang makuha para makakuha din ako ng extra units na pang med.. may DVBS din ang church sa april.. may ABCCOP sportsfest pa at gusto kong maglead sa ABCCOP youth.. magastos ang KC.. matagal ang KC, matrabaho.. ayokong sumama.. ewan ko ba. Pero ngayon gusto ko na.. gusto na hindi talaga.. hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon kung bakit ako sasama.. sasama ba tlga ako? magpa-late kaya ako sa barko? pano kung kulangin briefs ko, valid reason yun para hindi sumama diba??? diba?? dibaaah??!? (n_n) hehe.. pero sasama ako.. maliit na bagay lang siguro ito para sa mga nagKC, para sa iba, para sa iyo.. pero sa akin, malaking step of faith na ito.. hindi talaga ako excited sa KC.. excited ako na matapos ko ang KC at sumabak ulit sa mga trabaho ko, sa mga pinapagawa ni Lord sa akin.. grabe.. naalala ko, sunod sunod na mga lecture yun.. sa sermon tuwing linggo, sa Quiet time twing gabi, sa radyo, sa TV, sa prayer meeting (kahit sa prayer meetign sa ibang church!!!), maging sa sarili kong Sunday school lesson sa youth.. minsan gusto ko na lang umayaw.. magtago.. pumunta sa lugar na hindi ako mahihila ni Lord.. pero ginawa ko na yun dati.. nagtago sa sarili, at nanood lang sa mga dating leaders... hehe.. minsan, parang nire-regret ko nang nagpray ako ng "Lord, bakit ganun yung nangyayari sa youth namin? bakit hindi nyo ko gamitin, tambay lang naman ako eh...".. pambihira.. minsan, masarap umayaw.. minsan, nakakalunod.. minsan, gusto ko na lang umuwi ng maaga pagkatapos ng service tuwing linggo.. minsan, gusto ko na lang magpaka-extreme na suplado, magpaka-anti social, at hindi mamansin ng mga makukulit na tao.. minsan, nakakatakot.. ano naman ang sunod dito???? pero huwag muna yun.. KC muna sa ngayon.. youth muna.. kaya gusto ko nang sumama..
pero ayaw ko na din sumama... dahil nga nagpaplanning na ang youth.. kanina after service, apat kaming youth na nakapagmeet para doon (ang dami noh?!) medyo malabo ang mga plano dahil nga apat lang kami, kaya next sunday, iga-gather lahat ng youth ng church, by God's grace, para magmeet.. na-excite ako kanina, pero naalala kong hindi pala ako makakasama doon.. nakaka-excite, pero nakakalungkot sa parte ko.. nakakatakot din - pano kung ganun ulit, na hindi sila nagpunta sa mtg? pano kung hindi ulit sila namansin? pano..? pero naisip ko din, baka naman hindi, wla naman ako eh.. takot lang yata sila sakin.. hweheheh, wag naman sana.. (>_<') ayoko na kung ganun.. hehe bahala na si batman.. magkKC ako.. binigay ko na lang ang num ko kay badik, at nag-iipon ng pag-asa na i-uupdate nya ako sa mangyayari next sunday.. at umaasang hindi ko matatapon sa dagat ang cellphone ko sa mababasa kong "update".. (n_n)
buti na lang, Lord ko si Lord... kung hinde...
ewan ko na lang..
hwaah!!! KC na!