Saturday, January 29, 2005

matigas ang buhay..

Life is Hard by Pam Thum

You turn the key and close the door behind you drop your bags on the floor.
You reach for the light but theres a darkness deep inside and you cant take it anymore. Cause sometimes living takes the life out of you and sometimes living is all you can do.

Life is hard.
The world is cold.
Were barely young and then were old.
But every falling tear is always understood.
Life is hard, but God is good.

You start to cry cause you've been strong for so long - But that's not how you feel. Oh, you start to pray, but there's nothing left to say. So you just quietly kneel. In the silence of all that you face God will give you His mercy and grace.

Jesus never said it was an easy road to travel.
He only said that you would never be alone.

When your last thread of hope begins to come unravelled, don't give up. He'll walk beside you on this journey home.

And He knows life is hard.
The world is cold.
Were barely young and then were old.
But every falling tear is always understood.
Life is hard, Oh, life is hard.
but God is good.

Tuesday, January 18, 2005

WANTED IMMEDIATELY:: masahista.. inquire inside

ouch..

my body hurts all over dude, pare..

shoulders, arms, wrists, thighs, legs, back, abs.. (or anatomically, my trapezius, rhomboids, scapularis, biceps, bronchialis, triceps, pronator/suppinator teres, quadriceps, hamstrings, gastrocnemius, tibialis, extensor spinae, obliques, etc.. muscles hurt.. so bad.

but i love it.

jengers.. jengers talaga.. bakit ba nakakaadik mag weights?

Saturday, January 15, 2005

I slept with..*

I slept with..*

Naiinis ako.. lagpas isang taon na kitang kasama pero wala pa rin - wala pa ring nangyari.. kaunti pa lang ang nagawa ko at kaya kong gawin sa iyo. Isang taon - matagal na iyon, diba? dibadiba?

Naalala ko, tuwang tuwa ako noon nang una kitang makita. At mas natuwa pa ako nang mahawakan kita - pero natuwa lang ako. Nahawakan kita, pero hindi ko alam kung paano ang gagawin ko sa iyo.. hindi ko alam kasi nagmadali ako, pero nang lumaon ang panahon, natuto rin ako. Akala ko nang una, mahirap - at mahirap nga, dahil isang taon na at ganito pa rin. Kaunti pa lang ang nagawa ko at kaya kong gawin sa iyo.

Nakakainis.

Nakakainis dahil alam kong hindi dapat ako magmadali - pero gusto ko. Nakakainis dahil alam kong matututo rin ako paglipas ng bawat paglalaro natin sa oras.. pero ayaw kong maghintay. Mahirap maghintay - lalo na kung marami kang gustong malaman at matutunan - parang kulang ang buhay para sa lahat ng iyon.

Marami na akong ginawa, at patuloy na ginagawa para mas lalong makilala kita. Tuwing may pagkakataon ay sinasamahan kita. Kinukuha kita mula sa iyong tahimik na sulok. Gumagawa tayo ng ingay o musika - hindi ko alam.. pero ang mahalaga, iba't-ibang klaseng ingay o musika ang nagawa natin, subalit kaunti pa lang. Halos isang uri lang sa bawat isang klaseng ingay o musika. Paunti-unti.. dahan-dahan bawat araw.. paisa-isa bawat linggo.

Marami akong ginawa - marami na hindi ko alam kung tama o mali.. pero, para lang iyon mas matutunan kita. Alam mong minsan na ay napadalas kitang kunin mula sa iyong tahimik na sulok, at hindi ako nakapag-aral para sa isang exam. Ano ba ang mas importante? Ano ba ang mas importante kong matutunan? Hindi ko alam.. hindi mo rin alam. Alam mo ring minsan, kahit na kinuha na kita sa iyong tahimik na sulok, walang nangyayari - hawak lang
kita, pero tayo'y tahimik. Tulad ngayon.


Minsan, mas napapahalagahan ko pa tuloy ang iba. Naiinis kasi ako dahil matagal akong maghihintay sa iyo - samantalang mas alam ko ang iba kaysa sa iyo.. mas alam ko dahil mahigit isang taon pa lang kitang nakasama - alam kong kulang pa iyon.. at kulang pa ang buhay para doon.

Kung pwede lang sanang lagi kitang kasama.. lagi kitang hawak.. lagi kitang kalaro.. lagi tayong gumagawa ng ingay o musika.. pero hindi - hindi pwede. Sayang. Hindi pwede dahil maraming dapat gawin - at nakakabaliw mabuhay.

Kaya ito.

Kahit na alam kong walang mangyayari.. kahit na alam kong magiging mas lalo tayong tahimik.. kahit na alam kong ibang klaseng ingay siguro ang maririnig.. ito. Nagawa ko pa rin. Sa totoo lang, hindi ko talaga gustong gawin, pero nagawa ko - nagawa ko dahil naiinis ako. Hawak na kita pero kaunti pa lang ang nagagawa ko at kaya kong gawin sa iyo. Hawak kita ng matagal - matapos tayong magsawa sa ingay o musikang ating ginawa sa simula. Hawak kita ng matagal, pero hindi ako umiimik - at siyempre, hindi ka makakaimik.. Nakatulog ako.. matagal ka nang tulog.. nakatulog ako kasama ka. Pathetic.


*..my guitar - oo, siguro, "OT" na ata ako.. OTistik! argh.. ano ba yan! Bat ko kinakausap tong kahoy na to..

mawiwindang ka..

... at ayan ka na naman. Nagbalik kasi 'siya1.' Malaya ka na ulit - malayang gawin ang lahat ng gusto mo. Nagbago ka na naman. Parati na lang... Hindi ka na nadala, kahit na alam mo naman kung sino2 talaga ang kailangan mo. Lagi na lang.. tuwing gabing kaharap mo siya1 - ayan na naman.

Babagsak.

Tapos, iiiwan mo 'siya1', at magbabalik sa kanyang2 alam mong mas tama. At tatanggapin ka naman niya2. Ewan ko ba - ewan mo rin. Hindi ko siya2 maintindihan - hindi mo rin siya2 maintindihan.. pero ayos lang.. dahil pagkatapos ka niyang2 tanggapin at buhatin at itaas, malaya ka nanaman. At dahil malaya ka na naman, babalik ka na naman sa 'kaniya1' - sa kanyang1 magpapabagsak muli sa iyo. Kahit na sinabi mong nagsisi ka na.

Kung pwede ka lang sana niyang2 batukan at sampalin para magbago ka, nagawa na niya2 pero hindi - masakit yun e. Hinahayaan ka na lang niyang2 bumalik sa 'kaniya1.' At kapag nangyari nga iyon, uulit na naman..

babagsak..
babalik..
magsisisi..

..paulit-ulit na lang. Pero matatapos din iyon. Matatapos iyon kapag nalaman mo kung bakit mali ang mali. Windang ka kasi (sabi mo..)- windang sa pang-araw araw (maliban tuwing miyerkules) na gawain. Sabi mo malungkot ka kaya ka nagpupunta sa 'kanya1' (oo nga pala, pinapasaya ka rin 'niya1' tulad niya2).
Sabi mo pagod ka - walang magawa - walang makausap(o maka-"chat"?) - at marami pang dahilan..

Gayunpaman, tinatanggap ka pa rin niya2. Kung hindi ka kasi babagsak sa 'kaniya1,' hindi mo malalamang mahina ka pala - mahina, at hindi magpupunta sa kaniya2 na mas malakas. Akala mo nga kasi, kaya mo na ang lahat - akala mo'y matayog na ang lipad ng iyong ugatpak - pero hindi, dahil katulad mo lang si marina, si marina na gagapang lang kung nasa lupa.

..at gumagapang ka na naman. Ngunit itinaas ka na niya2 kaya lumilipad ka na naman. Mananatili ka sa kanya2 sa sandaling panahon, pero magsasawa ka rin - baliw ka ata.

Pero..

Buti na lang..

andiyan siya2 lagi.

Friday, January 14, 2005

mawiwindang ka... part 2

*nauna yung nasa taas kaysa dito.. kaya nga part 2 e.. jengers..*

Bulag ka kasi.

Hindi mo nakikita kung bakit mali ang mali. Lagi na lang.

Mas pinupuntahan mo kasi 'siya1', dahil mas masaya ka sa 'kanya'1 - dahil magaling 'siyang1' manlinlang - dahil nagpapalinlang ka - dahil bulag ka...

hindi mo nakikita..

Sa totoo lang, nakikita mo naman talaga, pero mas pinili mong wag makita - hindi mo tinitingnan - dahil bulag ka nga.

Pero may solusyon sa iyong pagkabulag. Ayon nga sa isang kanta ng slapshock, "open your eyes if you want to see.." - at pwede mo ring gawin iyon. Mawawala ang iyong pagkabulag.. dumilat ka lang. At makakadilat ka kapag nalaman mong tama siya2 - at nalaman mo kung bakit siya2 tama. Kilalanin mo kasi siya2, at alamin kung bakit.

Iwanan mo na 'siya1', at huwag nang umulit - kahit mahigpit ang hila 'niya1'...

huwag ka nang muling magpahila. Huwag kang mag-alala.. tutulungan ka niya2.

Wednesday, January 12, 2005

katamad magblog

it's been a while.. since my fingers frolicked above these keys.. since my eyes burned while staring at the monitor.. since my gluteus warmed this computer chair.. well anyways, today is the unang araw na ayos na ang PC namin (my english for you is ran out!) kaya't eto.. nagssoundtrip.. nagddownload ng YM messenger.. balik sa dati..
jengers.. jengers talaga.. i still have my almost 2 GB MP3's!!! pero, i lost all my many 'other' files - including my acad papers,reports,research,etc.. argh.. but oki lang.. atleast i still have my mp3's..


oki na PC namin kaso katamad magblog e.. nex taym na lang..

Wednesday, January 05, 2005

anak ng.....

"...nagballik kang muli, Agilus.."

oo, Alwina*.. ako'y nagbalik.. gamit ang PC sa isang computer shop.. dahil sira ang PC namin, mag-iisang buwan na! nak ng..

Meri Pasko at maligayang 2005 sa inyo.. jengers..

hindi na muna ako magbblog sa ngayon.. paubos na kasi time ko dahil sa ka-jengers-an nitong shop na to.. buti na lang 15 pesos lang hanggang jan08.. wehehe..

saka na, Alwina.. saka na ako magbblog kapag ayos na ang PC namin..

konting tiis na lang..

Quote for the year 2004: "Hindi naman araw-araw nagkakaroon ng tsunami.." - anonymous

*tama ba ang ispeling ng 'Alwina'?? alwina nga ba yun?? di kasi ako nanonood e.. nakikigaya lang.. hehe..

Powered by Blogger



get toggler @ flooble