July, week four
ang haba ng linggong ito...
oo nga, wala ngang pasok nung monday, pero kulang pa din pala ang oras...
o hindi naman talaga kulang - kahit ano naman kasi ang mangyari, wala na tayong magagawa para bawasan o dagdagan pa ang oras...tinapos ko lang kasi ang Heroes nung monday - dahil mahaba din ang linggo ko last week...ewan ko kung bakit ko nagustuhan yun kahit na sobrang new age ang mga pilosopiya at kontexto ng palabas..pero yun na lang ang pahinga ko.
ang galing! nakakatuwa yung power ni Peter Petrelli na nakakaabsorb nya yung powers ng kung sino malapitan nya - una nyang nakuha (na nagamit nya) ay ang paglipad - sumunod na lang yung iba: invisibility, 'future painting', regeneration, etc..sayang nga lang, hindi niya alam gamitin. oh well..mga lima o anim na oras din ata ako nakahilata lang at nanonood nun - matagal ko nang hindi nagawa yun, dahil nga sa aking "vow" na "hindi manonood ng tv" on purpose, o kung masasayang oras ko. ok lang naman siguro yun, dahil inisip ko muna kung may kelangan pa ba akong gawin..nung wala na akong maalala, saka lang ako nanood.
gabi na ako nag-aral para sa recitation sa tuesday..tuesday ako nagprepare para sa FG sa wednesday..mali pala ako. kailangan na pala i-compile ang related literature para subject ko sa Research, at ipass sa thursday..hindi ko pa kasi natatapos basahin yung mga resources ko. tuesday ko natapos basahin - ayun, hindi ko naicompile, at syempre, hindi ko naipasa..pero madami kaming hindi nakapagpasa..malabo naman kasi ang instructions nya (ng prof..) kung ano ang gagawin - bukod pa dun, hindi pa nya (ng prof ulit..) ibinabalik yung mga nauna naming papers (every week may paper kami..) kaya hindi namin alam kung ano ang pagkakasunod sunod..at bukod pa dun, may paper din ako sa isa pang subject (Methods of Physical Conditioning) na may paper din every week..at ang paper na ipapass for this week ay bulk na daw ng final paper (ico-compile daw kasi lahat, then edit, then yun na ang final paper..) namin, kaya yun ang pinagtuunan ko ng pansin..
at bukod pa dun...
sa totoo lang, sa tingin ko, kaya ko sanang gawin yung dalawang paper na yun ng buong wednesday -natapos ko din naman kasi basahin ang mga sources ko para sa dalawang paper na yun nung tuesday pa lang (mahirap maging OC sa pagbabasa ng sources.. (>_<) )..pero ayos! biglang nagbrown out ng 9:45am ng wednesday.. sa kalagitnaan ng pagta-type at pagchachat, biglang tumigil ang mundo (ng elektrisidad)..10:30 na ay wala pa din kuryente..kaya nagdesisyon na lang ako na lumarga na papuntang UP..sa halip na matapos ko yung isang paper sa umaga, yun lang ang ginawa ko magdamag -hanggang alas-3 ng madaling araw - hindi ko na nasimulan yung paper sa Research..
ngayong umaga (friday), as usual, nagquiz kami sa pinakauna kong subject (Adapted PE, 7 to 8:30am) bilang magandang pagbati sa iyong araw..ayos! kakaiba ang quiz nya.."lecture quiz" daw..so nagle-"lecture" sya habang nagqquiz kami - at hindi na namin malaman kung ano ang tanong sa quiz at kung ano ang lecture, at kung ano ba talaga ang tanong..30 items ang "quiz"..badtrip.
nagpagawa ako ng referral letter sa CHK lib, para sa Central Library ng DOH ("DOH Main Library" pa ang tawag ko..)..pumunta ako ng 1pm..alam ko kung pano magpunta galing monumento, pero hindi galing UP (anlabo..)..magkaiba kasi ang pinanggalingan..pero basta, yun..isa na namang araw ng Great Adventures of Billy ang friday na ito..mukha akong ewan sa jeep papuntang Quiapio sa pag-aabang ng "Gen Forbes Street" (sabi ng tatay ko na may sakayan ng jeep papuntang tayuman) pero hindi din ako dun nagpunta, kundi sa Lacson..as usual, ayokong magpahalatang naliligaw ako (nyahaha!) - pero hindi pa naman ako naliligaw..mabuti at saktong napuno yung jeep na nag-aabang, kaya sa next jeep na kami pinasakay - at saktong katabi ko si manong driver sa harap..ayuuuss!
kakaiba ang feeling sa loob ng DOH..siguro din dahil gusto kong isipin na balang araw ay babalik ako dun..(?) pero "gusto" ko lang isipin - hindi ko talaga iniisip..ayoko din magpahalatang first time ko mag-library dun..kaya diretso ako sa desk ng librarian pagpasok at tinanong kung saan ang OPAC..at ayos! nasa kanan ko lang pala..sinabi ko na lang na malabo pandinig ko, kaya hindi ko nakita..salamat sa Diyos sa pagingat nya sa akin..at salamat sa kanya dahil hindi nasayang ang pagpunta ko dun..nahanap ko naman ang ilan sa aking mga kailangan, at mas malinaw na ang nais kong makita para sa Research..hindi na ako nakahabol sa BigF sa esbi..4pm ata nagsasara yung lib, pero maaga ako umalis, mga 3:30 - maaga para makahabol pa sa BigF..pero hindi ko kasi nafigure out agad na madali lang pala bumalik - nakasakay na ako sa LRT1 nang maisip ko..owel...sayang wala akong superpowers tulad ng mga characters sa Heroes..o baka meron naman talaga,.ang problema nga lang,parang yung kay peter na nakakaabsorb lang, at hindi pa ako natatabihan ng meron..pero kahit meron, naging masyadong mahaba na din naman ang linggo ko para magkaroon pa ng lakas para lumipad.
(ang daldal ko na naman sa blog..mas nakakapagod magsalita kaysa magtype..)