Part 2 ng kwentong KC (originally magkadikit, pero hindi kinaya ng blogspot..)
GRACE... hindi pa man nagsisimula ang KC, ito na ang dini-deal sa akin ni Lord.. (kahit na ilang beses kong tinatanggi..). Naging pamilyar na ito sa akin sa pamamagitan ng mga kwento ni Philip Yancey sa "Finding God in Unexpected Places", "What so Amazing About Grace", at "The Gift of Pain" (c/o tint..=) at maging sa aking mga madugong QT, at sa ilang pagkakataon sa church, esbi, etc. at syempre (ulit..) , lalo na sa mga madudugong QT guides ni pareng Oswald Chambers nung KC... (simula Feb21 hanggang March3 ang nabasa ko sa KC, mga first 2 weeks yun.. natigil.. hindi ko alam, either busy tlga or hindi ko lang tlga kinakaya..).. Pero noon, malabo pa ang dating ng picture na nakikita ko sa Grace. Na-reinforce ng KC kung ano ang pahiwatig nito sa akin at napiga ito palabas... Nung testi time, iniisip ko, ano ba ang totoong saysay ng bawat session, exposition, laro, CI, at lahat ng pinagagagawa namin sa camp? (isa pang revelation..) tinulugan ko ang alloted time para sa Testimony Writing.. hindi pa bumabaon sa aking isipan kung ano nga ba at bakit... bumangon ako sa kinaumagahan upang magsulat.. aking napagtanto, Grace lang ni God ang dahilan ng lahat: kung bakit ako nakapag-KC, kung bakit ka-KC mates ko ang mga KCmates ko, kung paano ako nabless sa mga speakers, staff at counselors, kung bakit na-enjoy ko ang bawat sunset at mga bituin, kung bakit ko na-enjoy ang bawat meal (kahit ang monggo burger..), kung bakit ako nahirapan sa BSW, at madami pang iba... Hindi maidedeny ang grace ni God.. kahit na sa ating ordinaryong buhay. at ipinakita nya ito sa pamamagitan ni Hesus, nang tayo ay niligtas niya mula sa kasalanan... isa sa dulot ng mga 4:30 QT ko ay ang pagmumuni muni kung ano nga ba ang standing ko kay God - kung sino ba ako, at sino ba sya..
Sabi ni pareng Oswald, "When we receive the life of Christ through the Holy Spirit, He unites us with God so that His love is demonstrated in us... The Lord's next point is - "Pour yourself out, Don't testify about how much you love me and dont talk about the wonderful revelation you have had, just feed my sheep..." if i love my Lord, i have no business guided by natural emotions - i have to feed His sheep"!!!
Narerecognize mo ba kung gaano ka-gracious si God sa buhay mo, kahit sa maliliit na bagay lang? Binibilang mo pa ba ang mga blessings nya sayo? paano ka magrespond dito.. sigurado, mahal ka ni God, pero kung ikaw ang tatanungin, "Do you Love Me?" (John 21:17), ang iyong isasagot? kung oo, mapapatunayan mo ba ito??
Hindi sapat na hanggang taga-salo lang tayo ng Grace niya.. hindi din sapat na hanggang "Thank You" lang at "I Love You Lord!" (with matching iyak, taas ng kamay, luhod, sigaw, etc..) ang isagot natin.. tayo ay hindi bini-bless para lang ma-bless tayo, kundi para maging blessing din tayo sa iba, at ma-glorify si God dahil doon. AngKC ay isang napakalaking blessing sa akin ni God, at napakadaming blessings ang kasama nito...
At tumimo sa akin yung nakakaiyak na "washing of the feet" na hindi basta-basta ang pag-Feed ng sheep nya.. ang mga counselors at staff na tiningala namin sa loob ng 24 araw ay andun, nakaluhod at naghuhugas ng paa (bukid yun, at syempre, sanay na kaming nakasandals lang sa campsite at madumi ang mga paa.. pa-itiman!!) - pero hindi pa yun ang nakakaiyak... mas matindi nung habang pinanonood ko sila, aking napagtanto na yun ang extent ng dapat na response natin sa Grace nya, mag serve to the point na ididisregard ko ang lahat, luluhod, at maghuhugas ng paa.. pero hindi pa yun ang pinaka nakakaiyak.. pinakamatindi nang maitanong ko sa aking sarili, "ganito ba ang ginagawa ko nang nagseserve ako kay God? May pinipili ba akong paraan ng pagseserve sa kanya? Mas pinpili ko bang magserve kung comfortable lang ako at ang situation? Ganito ba kalalim ang pagserve ko kay God? kakayanin ko ba ito??? Nakapaghugas na ba ako at willing makapaghugas ng paa sa pagserve ko kay God??"
Nang ako ay huhugasan na ng paa, tinanong ko sila kuya tan at ate mutya (ang aming counselor sa SG) habang namumugto ang mga mata at nag-iiyakan kaming lahat...
"nagpepedicure din ba kayo?" hwehehe..!!! (n_n)
Minsan, dahil sa sobrang blessed na tayo, nagiging overfamiliar na tayo sa mga blessings nya, at hindi na natin ito pinapansin.. hindi na natin alam na bini-bless na nya tayo sa madaming pagkakataon... hindi tayo makapagbilang ng blessings, hindi dahil sa wala tayong natatanggap, kundi dahil dinededma natin ang mga maliliit, maging ang mga malalaking blessings ni Lord.... Maging ang realisasyon na tayo'y niligtas niya mula sa kasalanan ay hindi na tumitimo ng malalim sa ating mga puso... nawawala na ang kaligayahan ng pagpili niya sa atin...
Gaano kalaki ang mga blessings na iyong natanggap, at patuloy na natatanggap mo? Nabibilang mo ba kung gaano kadami ang blessings ni Lord sa iyo? o binibilang mo pa nga ba ang mga blessings niya? At sa bawat blessing, paano ka nagrerespond kay Lord?? Nagseserve ka ba na hindi alintana kung ano man ang iyong kalagayan, ang environment kung saan ka maglilingkod, at kung sino/ano man ang iyong paglilingkuran??? Paano ka magserve at ano ang attitude mo sa pagseve sa kung saan ka man tinawag upang maglingkod???
Sa ating paglilingkod, huwag nating alisin sa ating isipin ang grace ni God sa atin.. kung gaano nya tayo kamahal, at ang ating response na dapat ay nababalot din ng ating lubos na pagmamahal sa kanya.. at kasama nito, ang pagmamahal natin sa kanya na dulot ng kanyang Grace ang magtutulak sa atin na maglingkod, hanggang sa ating paghuhugas ng paa ng iba upang makapaglingkod...
sobrang daming nangyari sa KC.. hindi ko maisulat isa-isa.. it took me 3 weeks to dig again into my memory at mapiga lahat ng mga pangyayari.. hindi pa syempre ito ang lahat... mahirap nang hukayin kumpleto sa isang pagkakataon lang.. at dagdag pa dito, mayroon pang mga pangyayaring mas magandang iba ang magkukwento.. anyways, basahin mo na lang kung ano ang mababasa mo sa pagkahaba-habangblog na ito, ikaw na lang ang bah alang umintindi.. (n_n) (sinubukan ko sa abot ng aking makakaya na ayusin sa chronological order ang bawat punto, pero sa bandang gitna/huli ay sa tingin ko ay hindi ko na naisakatuparan ang aking mithiing ito..) (matatagpuan din ito sa ISCF logbook, pero mas nahuli itong paglagay ko sa blog, kaya medyo edited na ito, at mas maikli... 3 pages ang nagastos ko sa logbook...)
- GTKY ng NCR at NL at UPLB sa port (nung una, kaming magkaka-lcdc lang ang nagpapansinan,, minsan, sa sobrang tuwa na nagkita kami ulit, hindi na din kami nag-usap..) at pier15 ng manila at as usual, "suplado-mode" ako... - nagulat at hindi mukhang "tourist accomodation" ang tourist accomodation ng tiket namin (Superferry 19).. kulitan sa barko, patintero, pag-unahan sa napakahabang pila sa food (dahil dun kami sa baba.. hindi rin mukhang pang tourist accomodation ang kainan namin..), pakikinig sa ugong ng makina ng barko habang natutulog kami, paghanap sa swimming pool na hindi makita dahil sa Superferry 12 lang pala meron nun, kwentuhan, kulitan, joke time ng mga UPLB at ni kuya Walle, kwentuhan, kulitan.... - pagiging disappointed namin sa una dahil parang hindi kami lumabas ng NCR (sabi nga ni ehco, parang nasa cavite/bulacan/batangas lang..) kasi after ng 20hrs sa barko, diretso campsite na kami- hindi na namin na-feel agad na nasa Bacolod na nga kami... - pagiging disappointed din dahil 7 hectares ng palay at hindi nauubos na palaka tuwing gabi lang ang makikita, hindi tulad nung LCDC 2k4 ko na may beach at LCDC 2k5 na may bundok.. ngunit paglaon ay na-appreciate din ang bawat pagsunod ng windmill sa hangin, at ang libo-libong stars sa gabi na tila nasisilayan mo na ang buongkalawakan... -pakikihalubilo sa co-campers (at staff at counselors) na nanggaling sa iba't ibang sulok ng Pilipinas.. naging exciting ito sa akin lalo na nung una dahil huhulaan mo ang kanilang kultura, at gagamayin ang kanilang ugali.. syempre, hindi nila agad yun ipapakita - maraming "mukhang mahiyain" nung una, yung iba naman may mga mapanlisik na mga pagtingin na hindi mo alam kugn bakit, pero syempre nang lumaon ay unti-unti na kaming naglabasan ng aming mga tunay na kulay.. (n_n) - paggising ko ng 4am para magQT ng 4:30 hanggang 7:15 kahit na nagigising ko ang aking mga katabi (sa lapag na ako natulog.. long story.. at sa gitna ng dalawa sa aking minamahal na mga cabinmate..). ang qt ko na ito ay isa sa mga pinakamasarap na experience ko sa KC! syempre hindi naman araw araw ay 4:30 ang gising ko, meron ding pagkakataon na nagising ako ng 5:00, 5:30, 6:15 at 7:00am... - desserts!!!!pinya, papaya, pakwan, saging, melon, at ang hindi nauubos na kamote... - panghaharana sa mga girls na may bday tuwing umaga. - buffets sa Humayan Opening,IV day Celebration (na ginawa sa "night"...), MissionsNight, at sa BanquetNight..(ikaw ay nagkakamali kung iniisip mong puro pagkain lang ang nagustuhan ko sa mga "buffet" na ito, pero sa isang banda, malaking part ang ginampanan nun sa aking alaala..) - ang aking ultimate-date nung banquet night... si ate chiri!!! nung una, ewan ko kung matutuwa ako dahil huling banquet night ko na yun (na camper ako) at hindi camper ang ka-date ko,.. at nung time na "naubos" na ang mga babaeng naghihintay at nakita ako ni ate chiri, parangnapilitan lang sya (syempre, gabi ang banquet night, madilim.. tapos tinanong nya "wala na bang iba... teka, sino ba to?.. ay si billy pala to!.. sige na nga ako na lang..) na sa kalaunan ay inamin din nya,.. pero nakakatuwa at nakakabless na makadate ang camp director.. mdami kaming napag-usapang bagay bagay.. sa ministry, sa lablayp, sa KC, sa gentleman-liness (tama ba???) ng esbi guys sa gitna ng (****censored****) (n_n)... and at least, dahil camp direk ang date ko, safe sa showbiz! bwehehe.. (DISCLAIMER: si ate chiri din ang nag-interview sa akin para sa KC.. at syempre, sya ang campus staff ng diliman ng 2k5-2k6... o diba? ayus!!) - kulitan sa cabin, ang "Cali Nights", at revelations na walang katapusan (4 times kami nag-full cabin dev, isa lang ata ang seryoso.. nung students day..), kulitan ulit... miss ko na ang paghidait!! - ang madugong O, ang madugong I, at ang madugong A.. ang madugong study guides.. ang madugong BSL!!! (-_-) - ang pagtulog sa ilalim (sa labas, hindi sa loob, sa labas..) ng Ifugao hut namin, (ang Paghidait..)exposed sa ginaw, sa timus (isang kakaibang insekto, na may kinakagat daw na specific na parte sa mga lalaki..), sa mga palaka, at sa mga libo-libong insekto... malamig man, ngunit mainit dahil sa sama-sama kaming Paghidait boys sa baba.. - ang students day! kung saan kagulat-gulat na kasama ako sa mga "counselors" at napagbotohan pa na maging "head" counselor..... ang paggising sa mga tao twing umaga.. ang pag-iingay para tawagin ang mga camper... at ang (oo, irereveal ko na..) hindi pagligo ng isang araw dahil sa walang oras at sobrang pagod.... (isa pang revelation..) na-late din akong gumising para sa isang session, tanghali yun, at ginising pa ako ni rein, ang camp direk, 15min before time... - ang outing sa Mt. Mambucal!! ang pagkagulat sa bawat makitang tao - para kaming lumabas sa Big Brother House! "learn-how-to-swim" in 30minutes ni kuya bong, paghike sa tinaguriang "7Falls" na hanggang 6th falls lang ang narating namin (at nalanguyan, natalunan, napag-picture-an,..), pag-hike pababa, talunan sa pool... - (kung matutuwa ka sa isang ito, mahabang kwento ito sa katotohanan - kulang pa ang tuwa mo! ipakwento mo na lang sa akin kapag ako ay nakita mong pakalat-kalat kung saan...)ang di malilimutang FUN NIGHT! kung saan nagpakitang gilas si joji sa pamamagitan ng magic,"kumanta" si mike, sumayaw ang Gugma girls.. at syempre, ang hindi magpapatalong Paghidait Boys na nagpakita ng panibagong talento (na ikinagulat ng manonood, maging ng aming sarili..!) sa pamamagitan ng isang "interpretative dance" (ewan ko kung ano yung "iniinterpret" namin habang umiikot ikot, tumatambling, tumatalon talon, nagwawala,..) to the tune of "One Way" - ang Moro-moro!! - (isa pang mahabang kwentuhan...)ang pag-learn (ng sapilitan) ng ilonggo dahil sa na-OP ako sa CI (jutay lang..), pakikipagbonding sa CI host, pagpunta sa kanilang bukid sakay sa isang tricycle (anim kami kasama ang mga host..), pagpapaligo sa baboy, pagtulong sa paglinis ng barangay, presentation sa plaza, etc... - pakikipaglaro sa CI host family sa Pista sa Nayon... (pag-angkas ni tatay sa aking likod..) - star gazing sessions (nakahiga kami sa damo sa may bball court kasama ang mga nagtatalunang palaka..) - Missions Night!! lalo na ang pangungulit ni Kuya Jun (spaceship daw ang mga pyramids ni pharaoh nung old testament!!! kamote, pano mo nga ba sha-share an kung ganun..?) - ang madugo,.. at maputik, at maulan, at maingay, at mabigat!!(bakit kaya mabigat?) na Amazing Race ni Kuya Bong.. - paglalaba 2x a week.. minsan hinde.. nagbobomba lang ng poso... (Bomba star.. hwekwek) - paliligo sa poso!!! (ito ay after ng amazing race ni kuya bong... wehehe.. hindi pang public ang pictures eh..) - testimonies na nakakagulat at sobrang nakakabless at nakakaiyak.... - SG bonding sessions at stargazing sa last SG.. (may shooting star!!) - kulitan... - kulitan ulit... - huling kulitan... - kulitan na naman at huling revelations/laglagan sa Superferry 15.. ngayon na mas malaki ang barko (pero wala pa ring swimming pool!!!), Agawan Base naman ang laro namin... - tapos na pala ang camp..
parang kung paano nabigla ang madami sa amin na kami ay magk-KC, ganun din na nagulantang kami na tapos na pala ang masasayang araw namin sa camp.. lalabas mula sa nadevelop na comfort zones.. patungo sa realidad, sa totoong mundo..
i woke up at 4am to check my email while waiting for my lil sis to prepare, which, on a girls average, would take about 30 to 45 minutes(haha!).. supposedly, we will leave CBC at 5am, but we left at 5:45..
1st stop - Bayside Bible Camp, Lemery, Batangas. after the long Revo ride, enjoying the sites as we passed mla, pasay, cavite, and tagaytay, we finally got to the campsite where ptr ronel was scheduled to speak.. it was the ABCCOP natl youth conference, which accomodated 328 campers the time we visited (a small group has 2 counselors and 30 campers!) last year, they only had about 120 to 150 campers.. but we didnt witness any chaos among the campers.. in fact, we thought, if there was an awarding in every youth camp for the most behaved campers, almost all of them would get the awward.. anyways, we stayed only for a few hours so our judgement wouldnt be reliable. (n_n) We became ptr ronels alagad, following him wherever he goes, sitting at the front, behaving like a pastors guests in his speaking engagement (we tried our best to 'behave'..) after ptr ronels talk on media, we had a free batangas-suman-meryenda with C2 and then after a few minutes, a free porkchop lunch, out of the hosts generosity.. we dint get to make friends with the 328 campers though because we left after devouring their lunch..
2nd stop - Hardin sa Tabing Ilog, Pasong Kawayan, Nasugbu, Batangas. we met pipay the monkey! such a cute creature.. haha.. (n_n) the campsite wasn't that big.. having just some tents as cabins for overnight stays.. and the almost stagnant river, with a small refreshing kubo at the side. we met ori girl!! thinking at first that she was just some lost kid (hehe, peace tayo ori!!! =) and ian and i joined their 10 minute "mountain trek", just to explore the place.. and to our utter amazement, we saw at the other side of the river the most precious creatures that you would enjoy swimming with in a river - carabaos!! haha! and when we returned to the kubo after 15minutes or so, we saw the fruit of the privilege of having them join in the river... may ebak na lumulutang!!! wo0hoo00..!! but the caretaker told us anyways that compared to the size of the river, the carabao s*** wouldn't count much.. sheeesh!! (o_0) after a few picture taking at the river, we proceeded to the campsites tindahan and ate and bought every P1 mangoes we could see.. after ransacking the place of mangoes, we then left for another trip-trip..
3rd stop - tindahan somewhere in nasugbu, batangas P60 ang papaya, P22 ang 1 1/2 kilo ng avocado, P45 ang isang boteng honeybee na mukhang rugby...
4th stop - Viewpoint, Tagaytay after several attempts to get a free spot overlooking the taal volcano from the side of the main road, we finally decided to go to Viewpoint restaurant to enjoy the sight.. there were only a few people eating at the luxurious restaurant and when we came in, the waiters did not show any hint of hesistation to accompany us to a table.. to their discontent, we only asked "may halo-halo po ba kayo?", "ah, ganon..." *silence* . . . .. then after a few more looking around the place, as if we were inspecting every single part of the restaurant then rob them the next night, we went out then found the most beautiful-est point in Viewpoint.. after taking pictures with the taal volcano, we then quietly walked away to the car, then fled away..
5th stop - SLEX stop over! after the long ride, we had dinner at chowking, the official (as it seems..) restaurant of ABCCOP churches.. tracy asked if we could order at KFC, so she ordered a go-go thing and i ordered... some meal (i forgot!! argh..) then, seeing badik and tinay at the ice cream crappe thing store, we ordered a vanilla-peach and rockyroad(? forgot again..) crappe while watching how they make the expensive dessert and bugging the cashier..
after enjoying the "all-expense paid trip" (hehe), i headed straight to church for band reh, arrived home at 11pm.. ohwell.. sana maulit ulit.. (n_n)
Cavite!! (06/10-11/2006) kamote, P140 ang overnyt stay at P50 per meal!!! argh.. muntik na kong hindi tumuloy sa ISCF LCDC dahil wa'ay na ko budget! pero tumuloy pa rin ako, at by faith, umasang may matutulugan.. hinatid-sundo ko muna si gerald sa UP college of music para sa kanyang violin lessons, tumambay sa bhaus nila bcel, bago dumiretso sa cavite.. mga 1pm na ako nakasakay ng LRT at 2 na nakarating sa SM bacoor.. mga 30to45 minutes ulit bago ko mineet ni Len, LCDC 2k5 mate ko sa sm bacolod at sabay kaming nag-"baby bus" papuntang naic.. waaah! halos isang oras din pala ang byahe simula bacoor hanggang naic! nak ng tinapa, kala ko sa tabi-tabi lang.. malapit na pala sa beach ang naic bayan.. anyways, nakarating din kami sa wakas sa bayan at nameet si jayson (KCmate!) at nakisakay kanila kuya bong papuntang campsite.. tumambay, nakibuhat at nakiayos lang muna kami dun sa unang dalaw namin dahil banquet night sa gabing iyon.. sayang lang, nakikain lang kami (kinulang ng ulam! hehe) at hindi na napanood ang presentation ng mga campers kasi gagabihin si len.. napagdesisyunan din na kanila jayson na lang ako makitulog, pagkatapos nyang magpaalam sa nanay nya, na nandun din sa campsite! may resort pa nga daw sila, dahil sa tabi sila ng beach at pag-aari ng kamag-anak nila yung parteng iyon ng beach.. sabi naman ni len, baka daw may pool din.. pooltry! (-_-) nyeknyeks... at may manok nga! napaka-hospitable naman ni nanay, habang nagpapahinga na lang si kuya dahil may OJT daw sya.. medyo nakakahiya lang dahil sa baba sila natulog habang ininvade ko ang kwarto nila sa taas.. ok lang naman daw sabi ni nanay dahil sanay na silang dun matulog.. pumayag na din naman ako.. nag quiet time together naman kami ni jayson bago matulog, at nagdesisyon na gumising ng 5am para magjogging sa beach.. (dinalaw pala muna namin ang kanyang superfriends nang gabing iyon sa may beach,. maganda ang beach kapag gabi.. 11pm kami bumalik sa kanilang munting bahay..) 5:15, nagising ako, at pilit na niyugyog ang tulog na tulog na si jayson.. 5:30, 5:45.. ngunit wala pa ring saysay ang aking pagyugyog kaya akoy natulog na lang ulit.. 7:30, ginising ako ni jayson.. ayus! nauna pa tuloy sya nagising! hehe.. nagpunta pa rin kami sa beach kahit mataas na ang sikat ng araw, at hala! lumitaw na ang mga nagkalat na bangka, basura at mga patay na isda.. na-enjoy ko lang tingnan yung ilog na konektado sa beach.. maganda na sana, tanggalin lang yung basura.. pagtapos naming magbreakfast, makipagkwentuhan at kulitan kay nanay, at maligo ay dumiretso na kami sa bayan para hintayin si Len.. naglunch sa jobee, sa "mall" ng naic.. at saka nagtrike papuntang campsite.. pagdating doon ay si kuya bong ang una naming natagpuan at tumulong para mag-ayos sa extra challenge niya.. pagtapos ng patambay-tambay, pagkain at pagtulog sa isang nipa hut na may gulong, dumating na din ang oras na pinakahihintay.. akala namin ni jayson ay uulan din tulad ng sa KC na umulan during the extra challenge.. sayang hindi!! hehe.. nakakatuwa din dahil may swimming pool sila.. hindi nakakatuwa na kasama yung pool sa challenge nila at wala kaming pool sa challenge - nakakatuwa dahil pagkatapos na pagkatapos lumangoy sa tubig para hanapin ang karayom at jolen, langoy agad sa putik! woohooO!! sa taniman ng halaman sila lumangoy kaya mas mahaba at mas makitid yun kaysa sa putik namin nung KC.. medyo panghuli ang station namin (nagmarshall kami) kaya medyo natagalan bago kami makapangulit ng campers.. namiss ko tuloy ang feeling camper, puro laro lang, wla nang ibang iniisip... matapos ang extra challenge, diretso uwi na kami, hindi na nagdinner, dahil wala na kaming pera.. sabi ko nga, hindi na ko mabubuhay kung magstay pa ko hanggang saturday (as planned..) buti na lang at nasabayan namin si kuya eric pauwi, at sa may north ave-edsa na ko sumakay ng bus..
------------------------------------------------------------- SVCF GA (06/12/2006) nyeklats.. Christlikeness na naman ang message.. matapos matusok ng malalim sa KC kung ano ang ibig sabihin nito, yun na naman ang msg na nagstrike sakin sa GA.. haay.. mahirap nga.. mahirap tlga.. pagpray mo na lang ako para may saysay naman ang pagdalaw mo sa blog na to.. mag-iscf teamhead na ko dis skulyear, tpos youth leader pa sa church.. ohwell.. so help me, GOd.. (n_n) ------------------------------------------------------------- argh! (06/13/2006) matapos kong gumawa ng isang mabuting bagay (pagpulot ng nalaglag na sinampay.. haha!!), lumakas ang hangin at may mga pumasok (oo, madami..) na kung ano sa kaliwang mata ko (11:30am).. after an hour of failed attempts to remove that cursed thing, wla pa rin.. hindi din tinablan ng visine ang sakit ng mata ko.. kaya pumunta ako sa youth mtg (3pm) ng may panyo sa nagluluhang mata.. nagpraktis din ako sa banda habang lumuluha.. argh.. buti na lang, medyo nakatulong yata yung chloremphenacol (?) drops at medyo nawala na nung linggo.. ------------------------------------------------------------ San Miguel Beer.. este, San Miguel Philharmonic Orchestra (06/14/2006) pero sumasakit pa rin ang mata ko! pambihira, hindi ako makatingin sa kaliwa... buti na lang at si boxter lang ang tinugtog ko, hindi drums.. dahil sanay akong medyo nakatingin sa left kapag nagtatambol.. nakikain muna ako ng tapsi ni lope de vega sa bahay nila ian bago kami dumiretso sa Shangrila.. nyeklats, ang aga namiN! 4:15 ng hapon ay nandun na kami, 7pm pa magstart ang concert.. kaya medyo nag-ikot lang kami muna at nag-girl watching si ian (hwehehe!!!) medyo ok na yung mata ko, pero sumasakit nga lang every 30 or 45 mins kaya naluluha pa rin.. medyo mapula din nun kaya mistulang adik lang naman ako.. buti na lang naka-polo kami kaya medyo mukha kaming tao (yun kasi ang uniform namin sa "orange and melons" nang tumugtog kami kanina sa church) matapos ang ilang pag-iikot, pag-CR, pagsilip sa praktis ng choir, pagkain ng ice cream, ay sa wakas, nakita namin sila ate misha na may seats sa baba! pero hindi naman kita ang tugtugan sa seats kaya pumanik pa rin kami sa 3rd level.. matapos makatagpo ng medyo magandang spot ay inenjoy namin ang concert habang nanginginig ang mga tuhod sa kakatayo.. nakakatuwang panoorin ang synchronized na pagtugtog ng mga violin! nakakatuwa ding panoorin yung nagtatambourine! whehehe, kapag nag-Music ako, kukuha ako ng major in tambourine... (n_n) nameet din namin ni ian si charm matapos ang ilang magagandang kanta.. nagdinner sa KFC matapos ang concert, at sumakay sa bus pauwi na minamaneho ng isang adik na driver.. owel.. buhay pa naman kaming nakarating ng bahay...